TWENTY FOUR

4.7K 145 41
                                    

Hello rhaileneart this chapter is for you. ❣️💟💞 Salamat sa pag-iingay mo sa comment section. And I just want to say na lahat iyon nabasa ko.

Happy Reading sa lahat ng gising pa. 😂 Typo ahead  👇👇👇

Napatingin siya sa sampung taong gulang na batang lalaki na nakatitig sa bintana ng eroplano. Para bang tuwang-tuwa ito habang nakatingin sa nagkikislapang ilaw sa ibaba nila na halos kasing laki lamang ng mga tuldok.

"All good?" tanong niya dito. Bumaling naman ito sa kaniya na parang hindi siya naiintindihan. Tumikhim siya. "Ah, kumportable ka ba?" muli niyang tanong. Agad naman itong ngumiti at tumango-tango.

Kasalukuyan siyang nasa pribadong eroplano niya palipad ng London. Ayaw na niyang mag-aksaya ng oras. Gusto na kaagad niyang habulin ang asawa.

Pagkagaling na pagkagaling sa bahay ni Carlos para kunin si Jepoy ay dumiretso na kaagad sila sa Alejandro Airlines.

"Pinakain ka ba ni Kuya Carlos mo? Sa kanya ba galing iyang damit mo?" medyo nag-aalangan niyang tanong. Hindi kasi niya ito nabilhan man lamang ng pagkain o ng damit. Balak niya ay sa London na ito bilhan pagkadating nila doon. Ngunit ng kunin niya ang bata ay malinis na ito at maayos ang damit.

"Opo, Kuya. Dalawang balot ng siomai. Sa kanya din po galing ang damit ko, sabi niya, pinagliitan daw po niya."

Kumunot ang noo niya. "Ano? I mean, anong pinakain nya sayo?"

"Pinakain nya po ako ng dalawang balot ng siomai. Yung isang balot steam, yung isa, fried. Busog na busog na nga po ako, pilit niya pa din ako pinapakain."

Naihilamos na lamang niya ang palad sa mukha. Tarantado talaga ang lalaking iyon kahit kailan.

"Tsaka po, may pinapirmahan siya sakin na kung ano. Pinirmahan ko na lang po kasi nagugutom na ako nun. Hindi naman po siguro ako mapapahamak dun sa pinirmahan ko diba po?"

Nag-aalangan siyang ngumiti dito at umiling-iling. "That man, is a weird and a cunning man. Wag ka mag-alala. Kontrata lang yun. Ibig sabihin kailangan mo bumili ng siomai sa kaniya habang nabubuhay ka."

"Po? E ampanget naman po ng lasa ng ibinebenta niya. Yung prinito niya nga pong siomai, isang piraso lang ang hindi sunog."

"Hayaan mo na. Ikukuha na lang kita ng abogado para mapawalang bisa yung pinirmahan mo. That man made your Ate Remi sign his weird contract too."

"Makikita ko na po si Ate, diba po?" Nagbaba ito ng tingin. "Ayoko na pong mamalimos uli at mabugbog sa tuwing wala akong naibibigay na pera kay tatay."

Napabuntong-hininga na lamang siya at ginulo ang buhok nito. "Hindi na uli mangyayari yun. Tsaka, matagal ka na hinihintay ng ate mo. Matagal ka na niya hinahanap. Hindi siya tumigil..." parang saglit na nagkaroon ng bikig ang lalamunan niya, "...kahit hirap na hirap na siya."

"Mahal na mahal mo si Ate 'no Kuya?"

"Yeah. I love her so much. That's why we are coming to get her now. Siya at ang kapatid mo pang si Izza." Nagliwanang naman ang mukha nito.

Maya-maya ay napalitan ng pagtataka ang mukha nito. "Bakit nga po pala ganun si Kuya Carlos? Parang kakaiba po siya."

Agad niyang naalala ang ginawang pagtulong sa kaniya ng kaibigan. Something is definitely going on with him. Ngunit gaya ng sabi nito, mas kaunti ang alam, mas ligtas ang buhay.

He doesn't even know what that means. But he chose to shut his mouth. Sigurado siya, na kung hindi dahil miyembro ng sindikato si Minandro, wala miski katiting na salita na sasabihin sa kaniya ang kaibigan niyang iyon. At kung anuman ang nalaman niya ngayon tungkol kay Carlos, baka walang wala pa iyon kumpara sa totoong ginagawa nito.

ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon