"Asawa ko... Tara na. Let's go to the kitchen. Nagluto na ako ng umagahan natin. Kain na tayo, baka ma-late ka sa trabaho. Tsaka gutom na din ako. I want to eat already." Napangiti siya ng maramdaman ang marahang pagyugyog nito sa kaniya. Impit itong napatili nang yakapin niya ang bewang nito.
He nuzzled her neck. "I love you so much, wife." Humigpit ang yakap niya sa bewang nito at gumanti din naman ito ng yakap.
Pingdikit nito ang mga ilong nila at pinaglaruan ang kaniyang buhok. He really likes when she does that. It makes him feel loved. It makes him feel like he is the most important person in the world.
"I love you too, asawa ko. Ang pogi-pogi kong asawa."
"Wife!" Napabalikwas siya ng bangon. At hinanap ang asawa niya sa kabuuan ng kuwarto. But she wasn't there. A lone tear escaped from his eyes.
Panaginip.
Panaginip lang pala.
Naihilamos niya ang palad sa mukha. I miss you, my beautiful wife.
Hihiga pa sana uli siya nang malakas na tumunog ang cellphone niya. He grunted in annoyance. Inabot niya iyon sa tabi lamang ng lampshade at sinagot ang tumatawag.
"BOSS!" nailayo niya ang cellphone sa tenga nang malakas na sumigaw mula sa kabilang linya ang sekretarya niya. "Ano ba, boss! Tanghali na! Pumasok ka na, marami kang meeting na kailangan attendan," galit na turan nito.
"Wala ako sa mood pumasok, Ms. Cruz," tuluyan na siyang humiga sa kama at niyakap ang unan ng asawa niya. Hindi pa yata nito alam na umalis na ang asawa niya.
"I already warned you, boss. Stop slacking-off, okay? Gusto mo bang bumagsak na itong kumpanya mo? Para sabihin ko sayo, maraming mga bagong libro ang ishi-ship ngayong buwan."
"Iniwan na ako ni Remi."
Saglit na natahimik ang kabilang linya. Maya-maya ay rumatsada na naman ang bibig ng sekretarya niya. "So what? Ano magpapakadepress ka na lang dyan? Man'ong habulin mo. Pero bago mo habulin, pwede bang pumasok ka muna ngayon, Boss? Nandito na kasi yung representative ng bagong shipping company na kapartner ng kumpanya mo!"
"Ms. Cruz--"
"Bumangon ka na dyan o pasasabugin ko 'tong representative na 'to na ang arte-arte!" Walang habas siya nitong binabaan. Napa-iling iling na lamang siya doon. Kung makapagsalita ito ay parang ito na talaga ang nagpapasahod sa kaniya. Pakiramdam tuloy niya ay anytime pwede siyang sisantihen ng sarili niyang sekretarya.
Pinilit niya ang sarili na bumangon kahit tamad na tamad talaga siya. Dumiretso na kaagad siya sa banyo para mag-asikaso ng sarili. Napailing pa siya nang madaanan niya ang gate nila na nasira dahil nabangga niya.
Sumakay siya sa bagong bili niyang Ferrari dahil ang paborito niyang sasakyan na ibinangga niya sa gate ay nasa talyer pa ni Jameson. Bago matulog kagabi ay tinawagan niya ito para kunin at ayusin iyon.
Pinaharurot niya ang sasakyan patungong opisina.
"Good Morning, Sir Edward.
"Goor morning po, Mr. Lai."
"Magandang umaga po, Boss."
Tuloy lamang siya ng lakad at hindi pinansin ang mga empleyado. Kung sa mga araw nga na normal siya kahit papaano ay hindi niya mabati pabalik ang mga ito, paano pa kaya ngayong walang-wala siya sa mood.
Nang makarating siya sa palapag kung nasaan ang opisina niya ay agad siyang sinalubong ng sekretarya.
"Boss, the representative I am talking about earlier on the phone already barged into your office like a whore," walang kaabog-abog na sabi nito. "I can't even say her name."
![](https://img.wattpad.com/cover/187213620-288-k498476.jpg)
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
General FictionDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...