TWENTY ONE

4.7K 144 13
                                    

A/N: Happy Reading at may typo.
👇👇👇

Days passed in a blur.

At parang araw-araw ay excited si Remi na gumising at magisnan ang asawa niya. Gaya na lamang ngayon, maaga siyang nagising at nasilayan niya ang natutulog na mukha ng guwapong asawa. Bahagya pang nakakunot ang noo nito na tila ba binabagabag ng kung ano kahit sa pagtulog nito.

Nitong mga nakaraang araw ay palagi niya itong naabutan na may kausap sa cellphone. Sa tuwing tinatanong niya iyon ay iisa lamang ang sagot nito: business matters. Madalas ding nagpupunta sa bahay nila si Carlos at sa tuwing dadating ito ay mag-uusap ang mga ito sa pribadong opisina ng asawa niya sa bahay. Mag-uusap ng mga bagay na wala siyang kaide-ideya kung ano. Hindi lamang iyon, pinsadya pa ng asawa niya na ipa-soundproof ang opisinang iyon.

Minsan ay gusto na niyang magtampo sa asawa. Ngunit palagi niyang itinatatak sa isip na dapat niyang pagkatiwalaan si Edward sa kung ano man ang ginagawa nito. Pero kahit ano pang gawing pagtatago nito sa kung ano mang itinatago nito, iisa lamang ang alam niya.

May bumabagabag sa asawa niya na hindi pa nito kayang sabihin sa kaniya. Kaya sa ngayon matiyaga siyang maghihintay hanggang sa kaya na nitong sabihin kung anuman ang bagay na iyon.

Hinalikan niya sa pisngi ang natutulog na asawa at maingat na inalis ang mga braso nito na nakayakap sa bewang niya at bumaba mula sa kama.

Kaya nga lamang, kahit anong ingat niya ay nagising pa rin ito.

"Wife, where are you going?" He groaned huskily. Her husband is so damn hot in the morning.

She smiled. "Kitchen. Magluluto lang ako ng agahan natin."

He closed his eyes again. Natawa pa siya nang amuyin nito ang unan na ginamit niya. "Five more minutes. Tatayo na ako para mag-asikaso ng sarili. Tapos bababa na ako sa kitchen para lambingin ka. I love you, my wife. So damn much."

Mas lumawak pa ang ngiti niya nang nakapikit itong nag-flying kiss sa kaniya. Alam niyang pagod ito dahil halos katatapos lamang nito sa lahat ng natambak nitong trabaho ngayong linggo. And today is actually his day-off.

"Okay po. And I love you too. So damn much. Bilisan mo, hmm? Ngayon aalis sina, Izza, Mommy Emily at Daddy Edgar patungong London. Ihahatid pa natin sila." Tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto at masayang nagluto ng umagahan. She's even humming while cooking. Mukhang maganda ang simula ng umaga niya.

Ngunit ang sinasabi ng asawa na 'five more minutes' ay hindi na nangyari dahil tatlumpung minuto na ang lumipas at natapos na lamang siya lahat-lahat magluto ay hindi pa din ito bumaba.

"Asawa ko! Kakain na po!" sigaw niya mula sa kusina habang inaayos ang mga plato sa mesa. Kumunot ang noo niya nang hindi pa din ito bumaba.

Umakyat siya sa ikalawang palapag at pinihit ang doorknob ng pintuan. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya nang malamang naka-lock iyon.

"Edward, let's eat. Nakahanda ang ang pagkain." Marahan siyang kumatok ngunit walang sumagot mula sa loob niyon. Idinikit niya ang tenga sa pintuan.

Narinig niyang nagsasalita ang asawa. Mukhang may kausap ito sa cellphone nito, na siya ang kasalukuyang nagmamay-ari. Ayon kasi dito, aksidente nitong naibagsak ang cellphone niya at nasira kaya naman nasa pagawaan pa daw iyon hanggang ngayon. Ayaw na kasi niyang bumili na naman ng bago dahil marami siyang picture ng asawa sa cellphone na iyon.

Napatitig na lamang siya sa pintuan nang marinig ang pangalan ni Carlos. Mukhang ito ang kausap ng binata sa cellphone. Napasimangot siya, mukhang kahit day-off ng asawa ay may 'business' na naman itong gagawin.

ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon