FIFTEEN

5.2K 151 35
                                    

"Mom!"

Mabilis ang lakad niya na tinungo ang Mommy Emily at Daddy Edgar niya kasama ang pulis na nagngangalang Quenzo. Nakatayo ito ang mga ito sa pasilyo hindi kalayuan sa kuwarto ng asawa niya.

Ilang ulit niyang tinawag ang mga mga magulang ngunit parang hindi siya naririnig ng mga ito. Seryoso ang mga ito sa pakikipag-usap sa pulis na kasama.

"Mom." He interrupted them. Napabaling naman ang mga ito sa kaniya.

"What is it, son? I told you to guard Remi and Izza with your life, didn't I?"

"Mom, that little girl told me that their mother is in jail. How come?"

Ngunit imbes na sagutin nito ang tanong niya ay bumaling ito sa daddy niya. "Edgar, go talk to your son," pagkatapos ay ibinigay na uli nito ang atensyon sa kausap na pulis.

Agad namang nagpatiuna ang daddy niya at wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang dito.

Nang makarating sila sa labas ng ospital ay tumigil ito at hinarap siya. Hindi niya mabasa ang emosyon nito, basta ang alam niya, galit din ito sa kaniya.

"Dad."

"Yes, she's in jail." Punung-puno ng kalituhan ang isip niya. Una ay akala niya nagpapakasasa na ito sa pera, tapos ngayon ay malalaman niyang nasa kulungan ito?

"But-- why--"

"It was already five years. Ang asawa mo ang nagpakulong sa kaniya."

Parang sasabog na ang utak niya sa mga bagong impormasyon na pumapasok doon. At mas lalo pang dumadami ang nabubuong katanungan sa isip niya.

"Your wife been through hell, son. Your mom told me everything. Matagal na naming alam lahat ng pinagdaanan niya. Nalulong sa droga ang nanay niya at ang tatay-tatayan niya. Her stepfather raped and killed her other sister, Angela."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Napaawang ang kaniyang labi. Gusto niyang magsalita. Gusto niyang magtanong. Pero wala ni isang tunog ang lumabas mula sa bibig niya.

He just stand there completely eaten by pure confusion and guilt.

"May isa pa siyang kapatid. His name is Jeffrey Avilarde. He was abducted by their own mother and sold him to I don't know, human-traffickers I guess? That policeman your mom is talking to, he's the one who's helping Remi, us, to solve Jepoy and Angela's case." Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig. Natulos siya sa kinatatayuan.

Nanginig ang tuhod niya. All this time, dinadanas ng asawa niya ang napakasakit na bagay ngunit siya ay walang kaide-ideya doon. "How... come I didn't know any of these? No one told me about my wife's situation--"

Galit siyang kwinelyuhan ng sariling ama. "You already said it. She's your wife! It's your duty to know it and it's your freaking responsibility to support her! But what you did is to beat the shit out of her, you bullshit," he can see how his father's jaw is tightening.

Binitawan nito ang kuwelyo niya at halos mapadapa siya sa semento. His father is fuming mad. Ang kaninang walang emosyon nitong mga mata ay napuno ng galit at disappointment.

"We didn't raise you to be like that. I want to beat you to death too just like what you did to your wife. But that's not enough. And you're still my son. Magsasayang lang ako ng pagod sayo. Kaya kung ayaw mong mawala sayo ang asawa mo, fix your mess. And when I say mess, it's you. You're a mess. Fix yourself, Edward Lai."

Nag-iigting ang panga na tinalikuran na siya nito at walang lingon- likod siyang iniwan doon.

Pagak siyang tumawa. Yeah. I'm a mess, at dinamay ko pa ang asawa ko. Gusto niyang pagsusuntukin ang sarili. Siya na nga ang pinakawalang kuwentang asawa. Imbes na niyayakap niya ang asawa sa mga panahong nalulungkot ito at umiiyak, hayun at nagpapakasasa siya sa kandungan ng ibang babae.

ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon