TWENTY EIGHT

5.5K 138 14
                                    

A/N: (May typo.) Heto na po ang napaka-habang update.

Mahigpit na niyakap ni Remira ang asawa. Isang linggo na ang matulin na nakalipas magmula noong sinabi nito sa kaniya lahat ng nangyari dito. Kung paano nito nakuha si Jepoy, ang plano nito kasama ang Kuya Quenzo niya at ang sindikato na kinabibilangan ng tatay-tatayan niya.

Ipinaliwanag nito lahat sa paraan na hindi siya mabibigla at maiintindihan niyang maigi. Her husband was so patient with her. Sinagot nito lahat ng katanungan niya, kahit pa ang iba sa mga iyon ay paulit-ulit lang. Pati na din ang dahilan kung bakit kinakailangan nitong bumalik sa Pilipinas nang mag-isa.

"How about those men? Are they related to 'that' syndicate?"

"Wife, I answered that question for four times already," natatawang sabi nito.

"Sagutin mo na lang uli kasi," pangungulit niya dito.

"Yes. They are."

"Marami ba sila?"

Tumango-tango ito. "Yes, wife."

"How come I didn't notice them at all?"

He sighed. "They're actually a good deal. Too many that I needed to be your shadow twenty four-seven. Kahit saan ka magpunta, nakasunod sila," saglit itong natigilan, "Now I realize how sexy you are even in your sleep."

"Pinapanood mo ko habang natutulog?" Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Yes, on my sniper scope," he even wiggled his eyesbrows.

"That's creepy."

Nag-isang linya ang kilay nito. "No! That's sweet. And it keeps you safe while sleeping peacefully. I don't want anyone to hurt you. At syempre, hindi ko din naman iyon hahayaang mangyari. Kailangan muna nila akong patayin bago ka nila masaktan," napabuntong- hininga ito. Parang may kung anong humaplos sa puso niya nang malaman na araw-araw pala siya nitong binabantayan mula sa malayo.

"I'm sorry for dragging you in this situation, wife. I just want to see you happy. At alam kong mangyayari lang yun kapag nabigyan mo na ng hustisya ang nangyari sa mga kapatid mo. I've been a horrible husband, at gusto ko lang makabawi sayo. Pero mas napasama pa yata, dahil ngayon, nanganganib ka na dahil sa akin. That's the price of killing your step-father. I'm sorry for being a heartless, but I'm not sorry for killing that bastard--"

Mahigpit niya itong niyakap. "You're not heartless."

"Galit ka ba dahil pinatay ko ang tatay-tatayan mo? May demonyo ako sa loob-loob ko. At nabahiran na ng dugo ang kamay ko," kitang-kita niya kung paano napuno ng takot ang mukha nito habang hinihintay ang kasagutan niya.

Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito. "Why would I? Masama man, pero parang nakaramdam pa ako ng kasiyahan sa ginawa mo sa kaniya. He deserved it. At maraming salamat, dahil ginawa mo ang lahat ng ito para sakin. Mahal na mahal kita, Edward."

Marahan nitong sinapo ang mukha niya at inilapat ang mga labi sa labi niya. Buong pagsuyo siya nitong hinalikan. Punung-puno iyon ng pagmamahal. And she kissed him back, with the same intensity and passion.

"Mag-iingat ka doon ha? Tatawagan mo ako palagi. Pag hindi ko ginawa, I'll divorce you I swear," pananakot niya dito.

Kitang-kita niya kung paano bumalatay ang takot sa mukha ng asawa nang marinig ang sinabi niya. Namimilog ang mga mata nito. "Of course I'll call from time to time, Wife! No need to mention divorce."

ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon