A/N: Sinisipag mag-update si inday hahahaha. 3 hrs pa lang nakakalipas nang ipost ko ang chap 21 😂😂😂😂
This is my favorite chapter so far. Sana magustuhan ninyo.
At as usual, may typo.
Hi hasulapud 💖💖💖
PS. Carlooosss Hahahahaha.
"Mga p*tang-ina niyo! Pakawalan niyo ako!"
Walang emosyon ang mga mata niya na ngumisi sa mga bagong dating. Prente siyang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina habang pinaglalaruan ang maliit na kutsilyo sa kamay niya.
"Don't say bad words tayo dito, sir. Sige ka baka patayin ka kaagad ng kaibigan ko." Carlos smiled playfully while Quenzo hid on Carlos' back. Matalim lamang niya itong tiningnan.
"What!" Quenzo snorted. "Baka gusto mo na naman akong suntukin, e tangina kayo ang nagsabi na halikan ko ang asawa mo. Sinisira niyo ang kaguwapuhan ko sa mga kabaliwan ninyo," hinawakan nito ang puro band-aid na mukha.
He's right. It's their plan all along. At si Carlos ang nakaisip niyon na naging effective naman. Kung hindi niya ginawa iyon, baka hindi umalis ang asawa niya. At hindi niya hahayaang ang pagiging selfish niya ang magdadamay dito sa kaguluhang napasok nila.
So they made him mad, in order for him to let her go. But once all of this has come into an end, babawiin niya ang asawa at hindi na papakawalan pa.
"Pakawalan niyo ko! Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo!" Parang baliw na sigaw ng demonyo nilang bisita habang nagpupumiglas. Carlos forced Minandro to sit on the monoblock in front of him and tied the bastard up.
"Tangina ang daldal mo naman," isang suntok ang pinakawalan nito sa mukha ni Minandro. Saglit itong natahimik na parang nahilo sa lakas ng suntok ng kaibigan niya. At kahit may takip na itim na tela ang ulo nito ay kita pa din nila ang pagmantsa ng dugo sa ilong nito.
"All yours," Carlos coldy said before said before sitting on the sofa. At ganoon din ang ginawa ni Quenzo. Prente itong naupo sa tabi ni Carlos.
Pinatunog niya ang mga buto sa leeg bago tumayo sa swivel chair niya. He'll make sure to make this man cry in pure agony. Tumigil siya sa harap mismo ng nagpupumiglas na lalaki.
"Quenzo."
"Yeah?"
"Will I go to jail if I kill him?" Tanong niya nang hindi humaharap dito.
"Yes. Definitely. But go on. Kill him with all your heart's content," inilabas nito ang cellphone sa bulsa at parang wala lang na naglaro ng Plants vs. Zombies. "I'm a Police major general. I could cover it up."
Yeah, Quenzo will cover them up. Kaya naman hiningi nila ang tulong nito. Isa pa, ito din talaga ang humahawak ng kaso ng nanay ng asawa niya, kaya marami itong alam tungkol doon.
Weeks ago, Carlos found the address that his mother-in-law gave him.
"Edward, man!" Carlos barged into his office. Napatigil siya sa pagbabasa ng aaprubahang dokumento at napatingin dito.
Ibinaba nito ang isang attache case sa ibabaw ng mesa niya at binuksan iyon. Isang laptop nag laman niyon, na nakakabit mismo sa attache case.
"What's this?" He asked in confusion.
Carlos tapped something on the keyboard and a green circle with small red dots flashed into the screen. Sa gilid niyon ay may mga numerong hindi niya maintindihan.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
General FictionDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...