A/N: Yeah. Alam kong sinabi ko na last chapter na lang tapos Epilogue na. Well, this is supposed to be the last chapter, kaya lang hindi pala sapat ang isang chapter na lang para tapalan pa ang mga butas ng istorya na ito. Kaya naman I'll add another chapter. Kapag natapos ko kaagad mamaya, baka maipost ko din siya today. BAKA. Because I need to sleep din. 😭
Hi sa mga wala pang tulog diyan. 😊😊😊 Happy Reading!
Typo ahead.
"Wife. Let's go home already, hmm? Wala naman nang masakit sakin e. Umuwi na kasi tayo."
Natawa na lamang si Remi nang hatak-hatakin ng asawa niya ang manggas ng suot niyang t-shirt. Heto na naman ang pag-akto nito na parang bata. Ilang araw na ang nakalipas mula nang magising ito at mula noon, hindi na ito tumigil kakukulit sa kaniya na umuwi na sila. Ang dahilan? Palagi daw siyang tinitingnan ng ibang mga doktor at nurse doon na hindi naman niya napapansin!
Iba talaga mag-isip ang magaling niyang asawa kahit kailan.
Minsan ay gusto na niyang maburyong dito at hampasin ang ulo nito. O hindi naman kaya ay lagyan ng busal ang bibig nito. Pero pinipigilan niyang gawin. Paulit-ulit isinusuksok sa isip niya na may sakit lamang ang asawa niya. May sakit sa utak!
Gaya na lamang ngayon. Hindi na naman niya mabilang sa mga daliri niya kung ilang beses ito nagpumilit umuwi.
"Wife. Wife. Wife. Let's go home. Hmm? Uwi na tayo. Bago pa ko bumangon dito at dukutin ang mga mata ng lahat ng titingin sayo. I know how to use a freaking sniper! Babarilin ko talaga lahat ng doktor na papasok sa kuwartong 'to at titingin sayo!"
Napabuntong hininga na lamang siya at inayos ang unan sa likod nito para hindi ito mangalay habang nakaupo ang I'll kalahati ng katawan.
"Edward, natural lang na papasok sila dito dahil sinusuri nila ang kondisyon mo. At natural lang na titingnan nila ako paminsan-minsan dahil kinakausap nila ako." Ipinagdiinan talaga niya ang pagsabi sa 'paminsan-minsan.'
Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla itong magtaas ng boses. "No!" sigaw nito. "Iba, sila tumingin! I want squeeze out their eyeballs! I swear I'll rip their fucking throats and pull their tongue out! Wife naman, I just want secure what's mine! Umuwi na kasi tayo. Uwi na, uwi na, uwi na."
Parang umakyat ang dugo sa ulo niya. "Sinisigawan mo ba ako?" Malumanay ngunit madiin na sabi niya dito. "Baka gusto mong ipaalala ko sayo ang nangyari sakin dahil sa pagseselos mo," she smiled sweetly at him while gritting her teeth at the same time.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Edward sa sinabi ng asawa. "I concede," he said in defeat. Wala pa din talaga siyang laban sa asawa niya.
But he's not joking when he said he'll use a sniper to kill those freaking doctors who'll look at his wife.
"Reminoceros," pabulong niyang ungos, na sa kamalas-malasan pala ay narinig ng asawa niya.
"What did you just say?" kunot noong tanong nito. Uh-oh. "Did you just combine my name with rhinoceros?"
Agad siyang umiling-iling dito kahit pa totoo ang narinig nito. Napapansin kasi niya na may itinatago din palang pagka-agresibo ang asawa niya. So he came up with that term days ago.
Pero iba yata ang interpretasyon doon ng asawa niya. "Did you just freaking call me 'fat' in different language?" Parang umuusok na ang ilong nito sa galit at talaga namang kinakabahan siya doon. Mukhang hindi pa siya nakakalabas ng ospital ay tuluyan nang mababali ang lahat ng buto niya sa katawan.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
General FictionDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...