SEVENTEEN

4.8K 149 23
                                    

A/N: This chapter is kinda R18 hahahahaha. Typo ahead 👇👇👇

Atensiyon.

Iyan ang nakukuha nila ngayon at halos lahat ng tao sa mga katabi nilang table ay nakatingin na din sa nangyayaring komusyon.

Mabilis niyang inalis ang kamay ni Trisha na nakapulupot sa braso niya. Para siyang naging maamong tuta habang nakatingin sa galit na galit niyang asawa.

Ngunit iba si Trisha, hindi man lamang ito natinag. "Aba't nakakuha ka na ng tapang ngayon ha?"

Nagsukatan ang dalawa ng tingin. Para itong dalawang tigre na nag-aagawan sa karne.

Nagapapalit-palit ang tingin sa kanila ni Edward. Nalulunok na niya ang sariling laway sa kaba. Ngayon lamang siya kinabahan ng ganito sa buong buhay niya.

At ngayon lamang din niya nakitang ganoon kagalit ang asawa niya. Dammit, she's freaking hot! Alam na alam niyang hindi iyon ang tamang panahon para mag-isip siya ng ganoon pero parang nagsisisi na siya na hindi sila nagkulong sa kuwarto ngayon.

His wife is just ravishingly beautiful.

"Oo. Nakakuha na ako ng tapang dahil nandidiri ako sa pagmumukha mo habang hawak mo ang asawa ko."

"What?!" maarteng sambit nito at galit na tumayo mula sa kinauupuan. Ang kamay nito ay nasa ere na at handang sampalin ang asawa niya.

Ngunit mabilis ang pangyayari, ang menu na ibinaba ng asawa niya kanina sa lamesa ay dumapo na sa mukha ni Trisha. Napaigik ang babae at ang kamay sana nito na isasampal kay Remi ay napasapo sa sarili nitong pisngi. Tumalim ang mga mata nito habang sapo ang nasaktang mukha.

"Ang kapal ng mukha mong baboy ka--" agad na nagdilim ang mukha niya sa narinig. Hinatak niya ang braso ng babae at mahigpit na pinigi iyon. Napapiksi ito sa sakit. "E-edward..."

His eyes are deadly. "Don't insult my wife or I might forget that you're a woman. Get out of my sight freaking sight," madiin niya sabi dito bago binitawan ang braso nito, dahilan para mabuwal ito sa sarili nitong paa.

"Edward..." nanubig ang mata nito at parang naghahanap ng kakampi.

"Get. Out. Of. My. Sight."

Marahas itong tumingin sa asawa niya. "Pagbabayaran mo 'to."

Nanginginig ang mga tuhod nito na tumayo at nagmamadaling iniwan sila doon.

Parang pagkabait-bait na bata siya nang bumaling ng tingin sa asawa. Ngumiti siya dito ngunit irap ang sinukli nito sa kaniya. Yeah, she just rolled her eyes on him and dammit, she's freaking sexy. Parang gusto niya itong lakumusin ng halik.

Mabilis niyang itinikom ang bibig sa takot na baka lalong mairita ang asawa niya sa kaniya. Pulang-pula na ang mukha nito sa galit at ayaw niyang madagdagan pa iyon. Takot na lamang niya na siya na ang susunod na mapagdiskitahan nito.

"Ahm... W-wife. What do y-you want to eat?" Shit, did he just stuttered? Yes, he definitely stuttered. The great Edward just stuttered in front of his raging wife.

"Ayoko nang kumain. Nawalan na ko ng gana dahil sa kabit mo," galit itong tumayo at nagpatiuna maglakad palabas ng restaurant.

Namilog ang mga mata niya. Agad niya itong sinundan palabas. Malutong siyang napapalatak ng mura nang mawala ito sa paningin niya dahil sa dami ng tao sa mall na iyon.

"Wife, where are you?" Nagpalinga-linga siya para hanapin ito. Shit. Nilabas niya ang cellphone para sana tawagan ito nang ma-realize niyang wala siyang numero ng sariling asawa. Galit niyang ibinato ang sariling cellphone. Nagkawasak-wasak iyon. Hindi lang iyon, nabasag din ang tile na tinamaan niyon sa lakas ng impact ng pagkakabato niya. Napatigil ang ilang naglalakad at ang iba naman ay pinagtitinginan na siya.

ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon