SIX

4.3K 144 11
                                    

Hinawakan ni Remi ang tuhod para sana pigilan ang panginginig niyon. Ngunit hindi siya nagtagumpay, dahil maging ang mga kamay niya, nanginginig din.

Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba at kahit naka-max ang aircon ng kotse ay may malalamig na butil-butil na pawis ang lumalabas sa noo niya.

Matapos nilang kumain ng umagahan -- at maghabulan dahil sa pagpahid ng asawa niya ng cake sa buo niyang mukha -- ay niyaya siya nitong sumama sa opisina nito at nang tanungin niya ito kung bakit siya nito pinapasama, her husband just shrugged his shoulders at her while smiling wide.

Kaya naman kahit kaninang naliligo siya ay abot langit ang kaba niya. Ito ang kauna- unahang beses na magkasama sila ni Edward na pupunta sa opisina nito. Isa pa, hindi naman siya kilala sa opisina nito bilang asawa ni Edward. Kilala siya bilang katulong nito. Natatakot siya na baka kung ano ang maging reaksiyon ng mga empleyado doon. Ayaw niyang maging tampulan ang asawa niya ng mga usap-usapan. Ayos lang sana kung siya lang, dahil sanay naman siyang maging usap-usapan mula pa noong kolehiyo.

Dahil nga siguro sa physical appearance niya. Ang pagiging may katabaan niya ay nagiging tampulan ng tukso.

She sighed deep. At napansin naman iyon ni Edward habang nagmamaneho ito. Bahagya siyang sinulyapan nito at mabilis ding ibinalik ang tingin ang kalsada.

“Are you okay, wife?” gamit ang isang kamay ay inabot nito ang mga kamay niyang nakapatong sa naginginig niyang mga tuhod. “Hey, you're shaking,” nag-aalalang turan nito.

Nag- aalangan naman siyang ngumiti dito. “Ayos lang ako, Edward. Medyo, ahm… kinakabahan lang.”

Bahagya nitong pinisil ang kamay niya. “It's going to be okay. No need to be nervous. Opisina ko lang naman iyon. No one is going to eat you there. Well… no one aside from me,” he playfully winked at her.

Natawa na lamang siya sa sinabi nito. Somehow, it eases her nervousness.

Ngumiti din ito. “Yeah. That's it. Keep smiling.” Ibinalik na nito ang kamay sa manibela. “And I want to tell you that I love your jeans, wife.” Sumulyap ito sa kaniya at muling kumindat.

She just secretly rolled her eyes at bumaling sa bintana. Kanina kasi ay naka-dress siya. Casual floral dress iyon na hanggang tuhod ang haba at mayroon din sleeves.

Hindi din naman talaga niya gustong isuot iyon. Nagkataon lamang na nakita niya iyong maayos na nakatupi at nang maalala niyang hindi pa niya iyon naisusukat mula nang maibigay sa kaniya ni Clarylaine -- bilang regalo noong birthday niya -- sinubukan niya iyong isukat. At dahil corseted iyon, hapit na hapit sa bewang niya. She actually looked sexy in that dress.

Sakto namang pumasok ng kuwarto si Edward at agad na napasimagot nang makita ang suot niya.

“Ayoko nito. Your legs and sexiness are sinfully exposed. Palitan mo ito,” nahiya pa siya nang ito mismo ang maghubad sa kaniya. “You are not allowed to wear these kind of clothes outside our house, okay?” nakasimangot na sabi nito.

Nakangiting napatango- tango na lamang siya. Gumana na naman ang pagiging bossy nito.

“Okay, fix yourself. I’ll wait for you outside,” ngumiti pa ito bago lumabas ng kuwarto.

Kaya heto at naka-denim jeans siya at turtle neck na long sleeves. In short, ang mukha at kamay lamang niya ang naka-exposed na parte ng katawan niya.

Palihim na lamang siyang napa-iling habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Masaya siya. Masayang- masaya. She is very much happy with her husband's weird change. Kung ano man ang nagpabago bigla dito, nagpapasalamat siya doon.

“We’re here, wife,” tila nagbalik siya sa realidad nang marinig ang boses ng asawa. Nagpalinga-linga siya at totoo ngang nasa parking lot na sila. Ngunit hindi sa underground floor na parking lot ng kumpanya nito, kundi sa harap mismo. Panigurado siyang makikita talaga siya ng mga empleyado.

ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon