EIGHT

4.4K 120 8
                                    

Ilang linggo ang matuling na lumipas at halos hindi niya nakita si Edward. Hindi ito pumapasok sa nag-iisang subject na magkaklase sila. Hindi din niya ito natityempuhan sa rooftop. Kaya naman heto siya ngayon dala ang tupperware na naipahiram sa kaniya ng binata at hinahanap ang address na nakasulat sa ilalim niyon.

Kanina pa siya naglalakad sa loob ng subdivision na nakasulat. Masakit na ang mga paa niya at gusto na din niyang magpalit ng damit. Naka-uniporme pa kasi dahil dumiretso siya dito mula sa unibersidad na pinapasukan.

Lumipas pa ang ilang minuto ay natagpuan din niya ang hinahanap. Halos mamangha siya sa laki ng bahay. Magdo- doorbell sana siya nang makita niyang medyo maluwang ang pagkakabukas ng gate. Nagtataka siyang lumapit doon at bahagyang sumilip.

Bakit iniiwan nila na bukas ang gate?

Namilog ang mga mata niya nang makita si Edward at ang isang maganda at sopistikadang babae. Sa tabi ng magandang babae ay ang isang lalaki na kahit may katandaan na ay guwapo pa din at kahawig ni Edward.

Ito ba ang mga magulang ni Edward?

“I told you, I don't want to study anymore. I study enough!” may diin na sabi ni Edward.

“We only want what’s best for you, son. Soon you are holding our business,” sabi ng magandang babae na eksaktong napasulyap sa gawi niya. Kumunot ang noo nito at siya naman ay napaatras nang magtama ang mga mata nila.

“There is someone outside, Edgar. I’ll go check her. Talk to your son.”

Mas lalo siyang napaatras nang makitang lumalapit na sa gawi niya ang mama ni Edward.

“Hi, sweetie. Anything I can do for you?” ngumiti ito sa kaniya. The smile was supposed to make her feel uneasy ngunit mas lalo siyang kinabahan.

“Ahm, kasi po--”

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay sinansala na ng mama ni Edward ang iba pa niyang sasabihin.

“Oh my God! Edgar come heeerrree! Our son’s girlfriend is here!” napamaang siya dito. Nakatingin ito sa tupperware na hawak niya.

“Po?” ngunit hindi siya nito pinansin.

Nagmamadali namang lumapit din sa kanila ang papa ni Edward. “What's happening here, Emily?”

“Our son’s girlfriend  is here. She is so beautiful,” tila naiiyak pang sabi ng mama ni Edward.

Napatingin ang lalaki sa kaniya at pagkatapos ay sa tupperware na dala niya. “Welcome to the family, anak.”

“Po?” lalo siyang napamaang sa mga ito. Nagpapalit- palit ang tingin niya sa dalawa.

Seriously? Ano bang mayroon sa tupperware na ito?

Lumapit din sa kanila si Edward. Kumunot ang noo nito ng makita siya. “What are you fucking doing here?” He gave her a cold stare. Tila nanuot ang lamig niyon sa buong pagkatao niya. May kung ano sa loob niya ang kinabahan sa paraan ng tingin nito. Ngayon lamang niya nakitang ganoon ang ekspresyon ng malakulay karagatan nitong mga mata.

“Edward Lai! Language!” nakasimangot na sabi ng mama nito.

“Tsk,” hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “This pig isn't my girlfriend.”

Natigilan siya sa sinabi nito. Mahina lamang iyon, sapat lamang para marinig niya. Tingin niya siya lamang ang nakarinig niyon at hindi ang mga magulang nito. Parang sinadya nitong sa kaniya lamang iparinig ang huli nitong sinabi. May kung anong tumarak sa puso niya. Sa kauna- unahang pagkakataon, nasaktan siya sa pagtawag sa kaniya ng ‘baboy’.

ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon