FOURTEEN

5K 160 44
                                    

A/N: Sobrang natuwa po talaga ako dahil sa mga comments nyo at tinatry ko po talaga ang best ko para mareplyan kayo lahat kasi masaya makipagkulitan sa inyo. 💖💖💖

Pasensya na po kayo kung medyo natagalan. Hindi po kasi ako nakapagsulat habang nasa pila hindi gaya kahapon (andaming sumisingit sa pila today huhuhu) tapos natakot naman ako magsulat habang nasa jeep kaya ayun, now ko lang natapos ang update na ito. 😊😊😊😊 Sana mag-enjoy kayo.

Hinabaan ko na din ang UD, pambawi sa inyo yiieee.

Hello kay heecheon lecudlenny hasulapud at kay 2NE1_Blackjack 💖💖💖💖 Happy Reading!

Typo ahead. 👇👇👇

Hindi mapakali si Edward habang nasa labas ng emergency room. Ilang oras na siyang maghihintay sa labas niyon at hanggang ngayon ay wala pa ding doktor na lumalabas doon.

"Shit. Freaking shit," punung-puno ng prustrasyon na nahatak niya ang sariling buhok.

Nang lumuhod sa harap niya ang asawa at nagmakaawa na patayin na niya ito ay parang natauhan siya. Nanginginig ang sulok ng labi niya nang mapatitig siya sa putok nitong labi at puro pasang katawan.

Everything sinked into him. At nang saksakin nito ang sarili may kung sa loob niya ang halos mamatay sa takot nang dumaloy ang dugo palabas sa bibig at sa tiyan nito.

No, Remi. I'm so sorry. Please don't die. Paulit-ulit na piping usal niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya.

His green monster instantly ate him when he saw her being hold by some other man. Malakas ang pintig ng puso niya dahil sa takot na baka pag nagising ang asawa niya ay hindi na siya nito mapatawad. Iilang butil ng luha ang tumulo sa mga mata niya na agad niyang pinunasan.

Nagpabalik-balik siya nang lakad hanggang sa narinig niya ang pamilyar na boses ng kaniyang mommy. Naglalakad ang mga ito patungo sa direksyon niya. Nasa likod nito ang daddy niya na walang kahit anong emosyon. Tinawagan niya ang mga ito mula sa London at agad naman itong umuwi ng Pilipinas nang malaman ang nangyari.

Agad niyang sinalubong ang mga ito. "Mommy--"

Isang malutong na sampal mula sa ina ang dumapo sa mukha niya. Sa lakas niyon ay halos bumaling pagilid ang mukha niya.

"What have you done to Remi, son?" pinaghalong galit at lungkot na sabi ni Mommy Emily. "She's a very delicate woman. She's fragile! Why have you did this to her!" hinayaan lamang niya ang sariling ina na pagsusuntukin ang kaniyang dibdib. He didn't flinch. He just stand there. Dahil alam niya sa sarili na siya ang may kasalanan ng lahat ng mga ito.

It was all his fault that Remira is now unconscious and is currently fighting for her own life...

or not anymore.

ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon