Medyo important note:
Ito na ang pangalawang chapter na update ko ngayong araw. Iyon ay dahil po sa wala akong update bukas. Alam niyo na, malapit na po kasi ang pasukan. At dahil isa akong mabuti at responsableng mamayan ng Pilipinas (buhat bangko lang, inday? Hahahaha) kailangan ko po munang gampanan ang mga responsibilidad ko sa eskwelahan.Salamat po sa pang-unawa.
Nagmamahal,
Ang bigas 😂-WRMS
PS. May typo.
Ramdam ni Remira ang panginginig ng mga kamay na nakapatong sa mga hita. Kasalukuyan silang lulan ng sasakyan ni Edward papunta sa istasyon ng pulis kung saan nakalagak ang mama niya.
Nang sabihin nito kaninang umaga na gusto nitong makita ang mama niya ay hindi siya makapaniwala. Hindi siya naniniwala. Buong akala niya ay nagbibiro lamang ito.
Pero alam din niya na hindi iyon isang biro dahil sa kaseryosohan ng mukha nito. Sinabi nito na noong mga panahong nagpapagaling siya sa ospital ay naikuwento na pala ni Mommy Emily lahat dito. He even say sorry to her with all sincerity.
Mula pa noon, wala siyang inilihim sa nanay ng asawa niya. Lahat ng mahahalagang bagay ay sinasabi niya dito. Ito talaga ang unang umuunawa sa kaniya. And she really trusts her mother-in-law. Isa pa, dito na lamang din niya nailalabas ang mga hinanakit niya bukod sa puntod ng kapatid niya.
"Wife, you okay?" Napabaling siya ng tingin sa nagmamanehong asawa nang hawakin nito ang kamay niya. "You look stressed."
Ngumiti siya at tumango-tango. "Okay lang ako. Medyo kinakabahan lang. Ngayon kasi ang unang pagkakataon na isasama kita doon."
Sa loob ng limang taon, nasanay siya na mag-isa lang pumupunta doon para kausapin ang mama niya.
Pero iba na ngayon, dahil kasama na niya ang asawa niya.
"Everything will be fine. I'll be with you the whole time," he said, giving her assurance. Lumuwag naman ang loob niya sa sinabi nito.
Ibinalik na nito ang atensiyon sa daan at siya naman ay manaka-nakang binibigyan ito ng direksyon. Makalipas ang halos isang oras ay nakarating na sila sa destinasyon.
Pagkaparada nito ng sasakyan ay pinagbukas siya nito ng pintuan. Mahigpit ang kapit niya sa braso ng asawa nang makapasok sila ng istasyon.
Agad niyang nakita ang Kuya Quenzo niya na nakatayo hindi kalayuan at may kausap. Nang umalis na ang kausap nito ay tinawag niya ang atensyon nito.
"Kuya Quenzo!" Lumingon ito sa gawi nila at nagliwanag ang mukha nang makita siya. Sinalubong sila nito.
"Hey, Remi--"
Akmang lalapit ito sa kaniya nang walang sabi-sabing humarang si Edward sa pagitan nilang dalawa. Parang bodyguard ito na itinago siya sa likuran at akmang pinoprotektahan mula sa kung sino.
"Step closer to my wife and I'll kill you with my bare hands," namilog ang mga mata niya nang sinilip ang mukha ng asawa. Madilim na madilim iyon at nag-uumigting ang panga. Ngunit ngumisi lang ang Kuya Quenzo niya at sinalubong ang galit na titig ng kaharap.
![](https://img.wattpad.com/cover/187213620-288-k498476.jpg)
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
General FictionDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...