Maiksi lamang po ito, pero sana magustuhan ninyo. Happy reading everyone! 😊😊😊😊
"Nandito na naman kayong mga walang-hiya kayo," kunot noong tanong ni Creig sa mga kaibigan na umagang- umaga ay nakatambay na naman sa restaurant niya. Humatak siya ng upuan na nasa round table ng mga ito. "Sinong magbabayad ng mga kinain niyo dito kahapon? Malulugi ako sa inyo!"
Pasimple lang nagtaas ng kamay si Giovanni at agad ding ibinaba iyon.
Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya. "Anong mga problema niyo? Kung kumain kayo dito kahapon ay parang mga hindi kayo pinapakain ng mga asawa niyo, ngayon naman mga mukha kayong dumadaan sa existential crisis."
"Pinagtutulungan na naman ako ng mag-ina ko," yumukyok si Jameson sa mesa na para bang pinagsakluban ng langit at lupa. "Nag-joke siya kahapon. Ano daw chico ang walang 'o', edi sisiw! Kasi CHIC. Pre, matatawa ka ba dun? Tapos sabi pa niya magsabi daw ako ng totoo kung nakakatawa o hindi kundi sasapukin niya ako. Kaya nagsabi ako ng totoo. Tangina, nagsisisi na ko. Outside the kulambo ako. Hanggang ngayon di pa din niya ko pinapansin," nasabunutan nito ang sariling buhok.
"Tapos, si Entri, ang baby girl ko," tukoy nito sa tatlong taong gulang na anak, "sinulatan ng 'i love dad' ang mga sasakyan sa talyer gamit ang screwdriver. Pre, anak ko yun, syempre mas na-appreciate ko ang ginawa niya kesa magalit. Pero nung hindi ko siya hinayaang magbahay-bahayan sa compartment ng sasakyan, hayun at hindi na din ako pinapansin."
"Sana kasi tinawanan mo na lang lahat ng joke ng misis mo, alam mo namang buntis uli yun. Bobo ka talaga," si Mirkov iyon na nakapangalumbaba.
"Saglit lang ang solusyon na yan," nakayukyok na din sa mesa si Gio. "Ganyan ang ginawa ko sa lahat ng joke ng asawa ko at kahapon ay nakahalata na siya. Kaya na-outside the kulambo din ako. Wala naman akong problema sa mga anak ko, maliban na lang kay Jedi Amiro," tukoy nito sa bunsong anak na lalaki na tatlong taon na din ang edad, "sinalo yata nun lahat ng kakulitan sa mundo. Tatlong araw na niya akong kinukulit na bumili kami ng bagong aso. Alam niyo naman ang ginawa niya doon sa huli diba?"
Sabay-sabay silang tumango. Isang buwan na kasi ang nakakaraan noong ibinili ni Gio ng shih tzu ang bunsong anak. Pero isang araw pa lang ang nakakalipas ay trinim nito ang lahat ng balahibo ng aso at flinush sa toilet. Kaya naman ibinalik na ni Gio ang aso sa pinagbilhan nito at hindi na ini-refund ang bayad.
"Sinabi ko sa kaniya na hindi ko sya mabibigyan ng aso kaya iba na lang ang hilingin niya. Sabi niya 'okay lang po, Tatay,' kaya akala ko okay na nga talaga kami. Pero pag-uwi ko kahapon, binalatan niya lahat ng prutas sa ref at nag-iwan pa ng note na 'doggy doggy doggy'. Masisiraan na yata ako ng bait kapag hindi ko pa nakatabi pagtulog ang asawa ko," frustrated nitong naihilamos ang kamay sa mukha.
"Ganyan din anak ko, pre. Pag hindi napagbibigyan, tinatanggalan ng label lahat ng can goods namin sa bahay," naiiling na sabi ni Mirkov.
Sabay-sabay silang napatingin sa pintuan ng restaurant nang nagmamadaling pumasok doon si Edward. Naghatak din ito ng upuan.
"Shit. Shit. Fuck shit." Hinihingal na sabi nito.
"O ikaw, pre. Ano namang hinanaing mo dyan?" Tanong ni Treb.
"My twins-- my twins. Evil. Evil," tinampal-tampal nito ang dibdib para mawala ang hingal. "Edmira furiously broked into our room this morning, and killed Remard's Buzz Lightyear in front of us just because she doesn't want to breath the same air as his brother. While-- Remard, Remard. He smashed the head of Edmira's doll just because he doesn't want to breath in the same direction as her sister. I think I'm going to die. I'm going to die."
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
General FictionDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...