A/N: Huhuhu sorry po kung late ang update. Busy-busyhan ako. 😭😭 Gusto ko pong ipaalam na kahit hindi ko narereplyan ang iba sa inyo ay binabasa ko po ang mga comment niyo at doon din ako kumukuha ang ilang idea para sa susunod na chapter ganern.
May mga nagsasabi na sana daw maging masaya na sina Edward at Remi. Don't worry, kasi dadating din po tayo dyan. Hindi na po malungkot ang chapter na ito (parang hehehe) Sana mag-enjoy kayo.
Typo ahead. 👇👇👇
"Careful, wife."
Inalalayan niya ang asawa hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay. Ilang araw na din ang nakalipas magmula noong nagpacheck-up sila kay Dr. Deveza. Gumagaling na ang kaniyang asawa kaya naman kanina lamang ay nadischarge na ito.
Katakut-takot na paliwanagan pa ang nangyari sa pagitan niya at ng mga magulang para lang pasamahin sa kaniya ang asawa pauwi. Ngunit sa huli ay pumayag din ang Mommy Emily at Daddy Edgar niya. Ito na ang kasalukuyang nag-aalaga kay Izza.
Ngunit bago sila naghiwa-hiwalay kanina sa ospital ay binantaan muna siya ng ina.
"If something bad happened again to your wife, believe me, I'll get her from you in a blink."
Napabuntong-hininga na lamang siya nang maalala iyon. Ipinilig niya ang ulo para iwaksi iyon sa isipin. He will not let that happen. Not after this. Never again.
"Do you want to take a rest first, wife?" tanong niya dito. "I'll just cook our lunch. Gigisingin na lang kita pag luto na."
Parang robot itong tumingin sa kaniya at dahan-dahang umiling. Her lips are slightly twitching. Parang may gusto itong sabihin sa kaniya.
"Hmm? Ayaw mo?" nginitian niya ito kahit pa wala siyang nakuhang kahit anong reaksyon dito. "What do you want to do then?"
Tumingin ito sa direksyon ng kusina. Saglit na kumunot ang noo niya. "Gusto mo kong panoorin magluto?"
Dahan-dahan itong tumango. Lumaki ang ngiti niya. "Well then, let's do that. I'll cook while you watch me." Inakay niya ito patungo sa kusina at pinaghila ng isang upuan doon.
Nang makaupo ito ay inasikaso naman niya ang mga sangkap ng iluluto niya. "I'll cook your favorite dish. Sinigang na sugpo. Yung maasim talaga. Paniguradong magugustuhan mo iyon."
Siya lamang ang salita nang salita. Nakatingin lamang ito sa kaniya. Ngumiti siya dito at sinimulang hiwain ang mga gulay. Sumulyap siya dito, nakatitig ang asawa niya sa kaniya. She's looking at him intently, reading the depths of his soul.
Something on his insides stirred. Especially on his stomach. "I like you watching me. I feel like I'm loved."
Nagtama ang mga mata nila. Kumunot ang noo nito matapos ang sinabi niya. Saglit na umawang ang labi nito na parang hindi naiintindihan ang sinabi niya.
Malungkot siyang ngumiti. Pero hindi niya hinayaang mapansin ng asawa niya na malungkot ang ngiting iyon.
"This will be quick." Tumayo na siya at hunarap sa stove bago pa makita ng asawa niya ang iilang butil ng luha na lumaglag mula sa mga mata niya. Agad niyang pinunasan iyon at nagsuot ng apron. Magpopokus na lamang siya sa pagluluto.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 3: Love, Remi (COMPLETED)
General FictionDear Edward, Habang binabasa mo ang sulat na ito, malamang ay nasa himpapawid na ako sakay ng eroplano. Lalayo na ako kagaya ng gusto mo. Alam mo, magmula nang makilala kita noon, ako na yata ang pinaka naging makasariling tao. I want you all by my...