CHAPTER 2
Raven's
Party!😍 Party! 😍 Party! 😍
Come on, Barbie, let's go party! 🎶🎶🎶🎶
Excited akong pumunta sa university grounds para sa Welcome Party. Tanaw ko naman agad ang grounds pero wala naman akong nakikitang kasiyahan doon. Dumiretso lang ako upang makasiguro at makita kung ano ba talagang nangyayari.
Habang papalapit ako natanaw ko ang isang bonfire sa gitna at napapaligiran iyon ng madaming tao. Taray! Parang tribo lang. Agad akong tumakbo doon, at nagtaka kung sino ang nasa gitna ng tumpukan.
Tss. Ang mga pinuno ng tribo! Kala ko ba di sila invited dito. Unti unting nawala ang ngisi ko nung napagtanto kong sa akin lumipat ang atensyon ng lahat. Ayy, ganon na ba talaga ko kaganda? Tss Gabi na pero ganyan parin sila magulat sa ganda ko? Nako, nakakahiya naman di man lang ako nakapagpowder.
Nakakakilabot naman ang ang tingin ng mga tao dito. Galit na galit sa late? Sorry naman daw.
Teka, oh no! Baka ako ang iaalay nila sa Bathala nila! Waaaa!!😨😨😨
"Seems like our special guest was finally here." Nakangisi sa akin si Mister at ang tatlo nyang kasama habang papalapit sa akin. I knew it. Galit sila sakin. Move on, people!
Binalewala ko ang nakakamatay na tingin nila sa akin at ngumiti. "So, kayo pala ang may pakana? Tss. Kaya pala wala kayong natanggap na invitation." Nakangisi parin sila sakin at akmang susuntukin ako sa aking tiyan nang biglang nagsalita ulit ako. "Ooops. Relax, Mister. You are being rude to your special guest, I'm a bit disappointed." Nagmake face ako pagkatapos kong magsalita.
"Very well then, I want to formally introduce myself." Nakatingin sya sa akin. Ooooh that was a cold one. "I am the president of the Student Council, Cael Vergara, they mostly call me "C", this is Harvey, JC and Ivan, they are also part of the SC."
Student council? Nag-eexist yun dito? Weird.
Lumapit ako sa kanila at ngumiti. "Hello boys, I'm Raven." Nagsmirk lang sila at agad na susugod sakin si C, pero mabilis ako nakaiwas.
Ekperto ata ako sa pag-iwas, alikabok nga naiiwasan ko tao pa kaya?
"Such a bad temper Mr. C, I don't like how you welcome me. Okay. I want to give you a little information about me, I came here dahil wala nang university ang gustong tumanggap sakin. Do you want to know why? Lumapit ako sa kanilang apat at saka bumulong, sapat lang para marinig nilang apat. "Kasi basag ulo ako. No one wants to compete with me, ay mali pala, no one can beat me. Anyways, Thank you dito sa party. Mauna na ko. Bye." Agad akong lumakad palayo while leaving them dumbfounded.
I don't want to mess with them pero heto sila at agad na naabutan ako at nakaharang sa dadaanan ko. My God. Ano bang kelangan nila? 😑
"How rude you are to escape from the welcome party that has been planned specially for you." Ayan nanaman sya sa kanyang cold stare. Tss
"Party ba yon? Kung party nga ang tawag niyo doon, pwes sakin hindi. Walang live music, cocktail drinks, dance floor at iba pa. Bonfire? Ano kayo kulto? Wala tayo sa seaside mga tsong, mga bale ba kayo?" nakakainis naman. Excited ako sa party tapos yun ang madadatnan ko?
"Ms. Beautiful, may kirot sa aking munting puso ang iyong pagtanggi sa aming imbitasyon." Nakangising sabi nung JC
"Ipagpaumanhin mo sana ang aking pagtanggi ginoo, ngunit marami pa akong mas importanteng gagawin. (Ayan mahal na mahal ko naman ang ating sariling wika sa part na yun. Best in Filipino din kasi ako nung Grade 2. hihi) Relax lang kayo boys. I don't have so much time for your games, so don't follow me, except you guys want to join me to buy my dancing shoes." Nagpatuloy ako sa aking paglalakad hanggang makarating sa parking lot.
BINABASA MO ANG
Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)
Fiction généraleArts was only a passion until the flavor of LOVE strikes it. Ano kayang panama ng isang magandang dancer sa isang badboy na music lover? Let's see!