Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️
Chapter 29
Raven's
Tulad nang napag-usapan ay nakalabas kami ng ospital ni Yosef ngayong tanghali. I'm perfectly fine now and completely ready for work, but Cael is a bit grumpy.
Kasama ni kuya Randy ang aming mga kaibigan para ihatid si Yosef sa clinic sa penthouse niya. Maging si mommy ay sumama rin sa kanila.
"Cael, halatang concern ka kay Yosef, you should've go with them. Kaya ko naman nang pumasok sa trabaho mag-isa, besides I'm not going to do a lot of work today I'll just pay a visit on my company." paliwanag ko sa kanya.
Nasa loob kami ng kotse niya at marahang tinatahak ang daan papunta sa aking kompanya.
" Baby, I want to make sure that you're not going to exhaust yourself today. Dapat kasi ay dumiretso kana muna sa penthouse mo at nagpahinga nalang. Kakalabas mo palang ng ospital, Aira." sagot naman ni Cael na wari'y pinipigilan ang inis.
"Well, if that's what you want, then fine."
Bumuntong hininga siya at sandaling lumingon sa akin bago ibinalik ang kanyang paningin sa daan. "Baby, let me do this for you. Di ba sabi mo hindi ka naman magtatagal at mangangamusta lang sa mga employees mo? I want to see your workplace too." sabi niya kaya wala na akong nagawa.
Ilang minutong byahe ay nakarating na kami sa building. The way to my office was filled with greetings coming from my employees. Namiss daw ako ng iba at ang iba naman ay nangamusta.
Sumalubong sa amin si Karen na malisyosang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa braso ni Cael.
"Good afternoon, Miss Raven." bati niya sa akin. "Bakit naman po hindi kayo nagsabi na papasok kayo, sana po ay naiprepare ko ang schedule niyo." nakangusong sabi nito.
Sasagot na sana ako nang biglang sumabat si Cael sa usapan. "Wala siyang ibang gagawin today. All her scheduled meetings for today must be cancelled, bukas pa siya babalik sa trabaho. Kakalabas lang niya ng ospital kanina, pero gusto niya daw bumisita ngayon." paliwanag niya at tiningnan naman ako ni Karen na may pagtatanong sa kanyang mukha.
" Uhm. Karen, do you remember him? This is Engineer Cael Vergara, uhm... son of Architect Kristy. " sabi ko at agad na namilog ang mata ni Karen.
" Good afternoon, Engineer. Di ko po agad kayo nakilala, pasensya na." bati nito kay Cael at bahagyang tumungo.
" Cael, this is Karen, my secretary." pakilala ko. Tumango lang si Cael sa kanya at saka inilipat ang tingin sa paligid. Suplado!
Siniko ako ni Karen at saka malawak na ngumiti sa akin. "Architect, boyfriend mo ba si Engineer?" bulong niya sa akin at agad namang naginit ang aking pisngi.
Ngumisi ako sa kanya at saka bumaling kay Cael.
"Cael, sasama ka ba sa akin? Lilibot lang ako saglit."
" Lilibot? Come on, baka mapagod ka. Bukas nalang. " nakangusong sabi niya. Cute!
Umirap ako sa kanya at saka tumawa. "Samahan mo nalang ako kung ganon." iniabot ko sa kanya ang aking kamay at hinawakan naman niya iyon.
"Architect, bumalik na pala kayo. May mga design at plates na nakahanda na for your approval, titingnan mo na ba today?" salubong sa akin ni Kyle at bumeso pa.
Architect Kyle Chavez.
Napatingin siya kay Cael dahilan upang sulyapan ko rin ito. Kunot noo siyang nakatingin kay Kyle. Anyare?
BINABASA MO ANG
Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)
Fiksi UmumArts was only a passion until the flavor of LOVE strikes it. Ano kayang panama ng isang magandang dancer sa isang badboy na music lover? Let's see!
