Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️
Chapter 27
Raven's
All is set.❤️
Tulad ng napagusapan kanina ay sumama sa amin si mommy sa kwarto bago kami magsimula ng mga gawain.
Nagluto ako ng samu't saring seafood dishes, dahil iyon daw ang paborito ni Cael.
Syempre, dahil hindi ako pwede ng seafoods ay kinailangan kong magluto ng ibang putahe na sa tingin ko ay magugustuhan naman ni Cael.
Nag-aayos ako ng aking buhok nang biglang tumunog ang aking phone.
One message received.
Carol: Sissy, all set na. Just give me a beep, kapag nakababa kana.
Ngumiti ako at saka nagtipa ng aking reply.
Ako: Pababa na ako. Dalhin niyo na si Cael sa meeting place within five minutes.
Matapos kong isend iyon kay Carol ay tumayo na ako at kumuha ng sapatos.
Hindi ako nagsuot ng kung anong magarang damit. I want this dinner to be as casual as what I want.
I am now wearing an oversized white v-neck shirt tucked-in on my black high-waisted pants and a pair of white sneakers. Nakataas ang aking buhok na bahagya pang paalon sa banda dulo. Naglagay ako ng kaunting liptint at cheektint, then that's all. I'm ready.
Nakatayo ako sa harap ng round table upang icheck ang lahat. There are candles, wine and relaxing sound coming from the musicians.
Nahagip ng mata ko si Bea kaya nagmadali akong tumakbo sa sulok na medyo may kadiliman nang sa gayon ay hindi ako makita ni Cael.
Nang makarating sila sa harap ng table ay kitang kita ko ang kunot noong si Cael kasama sila Harvey at ang girls.
Bahagya pa akong kinabahan nang lumingon sa gawi ko si Scarlet hudyat na kailangan ko nang lumabas.
Hindi naman boys lang ang may karapatang magsurprise diba?
Dahan dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan. Naglakad ako papunta sa kanila hanggang sa makuha ko ang atensyon ng lahat.
"Hi." nakangiting bati ko sa kanila ngunit kay Cael lang ako nakatingin.
"Guys, sibat na tayo." dinig kong sabi ni Bea at ngingiti ngiti namang sumunod sa kanya ang aking mga kaibigan.
Kinakabahan man ay nagawa ko parin tingnan ang reaction ni Cael. Nakatingin siya sa akin at saka tumingin sa paligid.
Tinubuan ako ng pinaghalong kaba at hiya, pero anong magagawa ko? Nandito na to. Raven, let's do this.
"Shall w-we?" kinakabahang sabi ko saka nagpatiuna na papunta sa table. Kahiya!
Naramdaman ko ang pagsunod ni Cael sa akin at sabay kaming umupo.
"You p-prepared all of these?" tanong niya. Nakangiti ngunit may nagbabadyang mga luha sa kanyang mga mata.
Pangit ba ang ideyang ito?
"Ah. Uhm. Yes. Tinulungan ako nila Scarlet so...." sagot ko at saka tumingin sa mga pagkain. "Ako lahat ang nagluto niyan. Mind trying them?" nakangiting sabi ko.
"Seafoods?" tanong niya pa.
"They said its your favorite. Lahat ng alam kong putahe ng seafoods ay niluto ko." proud kong sabi.
BINABASA MO ANG
Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)
General FictionArts was only a passion until the flavor of LOVE strikes it. Ano kayang panama ng isang magandang dancer sa isang badboy na music lover? Let's see!
