Chapter 37

29 3 0
                                        

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 37

Raven's

Nang makarating sa penthouse ni Cael ay napuno ito ng kasiyahan. Pinili namin na dito ganapin ang after party dahil mas higit na malaki ito kumpara sa dun kay kuya.

Nag-iinuman ang boys sa sala habang kaming mga girls ay nandito sa kusina at nag-aayos ng ibang pagkain.

Naihatid na ni kuya Randy si ate Jasmine sa ospital dahil may duty raw ito ngayong gabi. Pinilit ko pa itong huwag na munang pumasok nang sa gayon ay makapunta siya dito ngunit mahigpit niya iyong tinanggihan. Masyado iyong committed sa work sabi ni kuya kaya hindi ko narin pinilit pa.

Hindi ko rin inaasahang sasama si kuya Terrence dito. Hindi naman ito masyadong malapit sa boys hindi katulad ni kuya Randy. Kani-kanina lang din ay dumating si kuya Johnson kasama ang kanyang asawang si ate Chesca na ngayon ay katu-katulong namin dito sa kusina.

"Where's Yosef?" tanong ni ate Chesca habang naglalagay ng lasagna sa lalagyan.

"Nasa kwarto ate, magpapahinga lang daw siya saglit. Nagpapagising sakin mamayang 8 pm para makipagbonding sa boys." sagot ko sa kanya at tumango naman ito.

"Ooh. This girl's not familiar to me. Who's girl is she?" nanunuyang sabi ni ate Chesca na ngayon ay nakatitig kay Nicole. Yung babaeng kasama ni JC. She's beautiful! Mahaba ang kanyang kulot na buhok at natural na morena ang kanyang balat. Matangkad rin ito. Muka siyang supermodel!

"JC's." nangingiting sagot ni Bea sa tanong ni ate.

"Interesting! I thought you guys are getting married soon? What happen?" tanong muli ni ate kay Nicole.

"Uhm. Yun po ang plano, pero may naging kaunting problema lang." nahihiyang sagot nito.

Dahil sa usapang iyon ay nalaman naming matagal na pala siyang karelasyon ni JC. They are just keeping it private because JC's family doesn't like her for him. She is a model as I was thinking and her family doesn't have any kind of business. They're making money purely because of her modeling career and nothing else. She is the breadwinner of their family. May plano naman daw silang magpakasal kaso siguro ay iniintay niya lang din ang desisyon ni JC.

Lumalim pa ang aming usapan ngunit hindi nagtagal ay inilabas narin namin ang mga pagkaing inihanda. Oras narin para gisingin si Yosef kaya nagpunta na sa kwarto si Scarlet para gisingin ito.

"JC! Your girlfriend is nice! Lagi mo naman siyang dalhin dito para makabonding namin siya." nakangiting sabi ni Carol which is I deeply agree.

Nakangiting umiling sa kanya si JC bago ito lumingon sa kanyang girlfriend na ngayon ay kanyang katabi na. "Naku, Carol! Ako nga ay hirap na hirap nang sumingit sa schedule niya tapos aagawin niyo pa? Maawa naman kayo sa kin." natatawang sabi ni JC.

Ipinakilala niya pa si Nicole sa lahat ng naririto at nakuha pa itong biruin ni Harvey. "Nicole, sigurado kana ba diyan sa kaibigan namin? Marami kaming makakalaban mo kapag pinaiyak mo yan."

"As if naman! Baka ako ang paiyakin nito." natatawa namang sagot ni Nicole. Nakakatuwang nakikipagbiruan narin ito sa aming tropahan.

"Tita Chesca you're here!" napalingon kaming lahat kay Yosef na mapungay pa ang mata dahil sa pagtulog. Kinukusot pa nito ang mga iyon.

"Hi! Happy Birthday! Yung gift namin ni tito Johnson ay naroon na kasama ng iba mong gift." tumayo si ate Chesca at humalik sa pisngi ni Yosef.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon