Chapter 33

26 3 0
                                        

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 33

Raven's

Sa byahe papuntang penthouse ni kuya Randy ay tahimik ang lahat. Ang awkward!

Si Cael ang nagdadrive at katabi niya naman ako sa front seat. Feeling ko siksikan na sila tito, architect at Terrence sa likod pero tinitiis lang nila. Walang gustong magpaiwan! Although may sasakyan naman sila ay mas pinili nilang sumabay sa amin. Cael's announcement earlier was a big blow that's why I think naubusan na sila ng enough energy para magdrive.

Malalim ang aking iniisip ngunit nang lingunin ko si Cael ay wala man lang bahid ng kaba sa kanyang mukha. How come?

Bigla akong napapitlag nang tumunog ang phone ko. Tumingin muna ako sa kanilang lahat bago ko iyon sinagot. Si Harvey!

"H-hello?" bungad ko.

May naririnig akong street noises sa background ng tawag siguro ay nasa byahe itong si Harvey. Tss

"Raven, nasan kayo?" boses iyon ni Ivan. Tiningnan ko muna ang screen ng phone para siguraduhing si Harvey ang caller. Bakit si Ivan itong sumagot?

"Ivan?" nagtatakang sagot ko.

"Uh. Yeah. Harvey's driving so..." that answers my question.

"Way to penthouse. Kayo?"

"Byahe na rin. Nandiyan si C?" si Cael naman pala ang kailangan sa akin pa tumawag!

"Yes. He's driving, why?"

"Just checking. Akala kasi namin ay dumaan pa kayo ng opisina."

"Ah. No. Do you want to talk to him?"

"Hindi na. Nagdadrive siya di ba? Anyway, kamusta pala ang bisita niyo sa bahay nila C? Naks, meet the parents na agad!" pang-aasar niya sakin. Napapangiti ako ngunit pinigilan ko iyon at kinagat na lamang ang aking labi.

"Okay naman. Actually, kasama namin sila ngayon." sagot ko. Natahimik ang kabilang linya. "Hello? Still there?"

"Uhuh. W-why? I mean, bakit niyo kasama sila tita?"

"Long story, Ivan." napabuntong hininga pa ako.

"Oh. Okay. See you there. Ingat kayo." paalam niya sakin.

"Sige. Ingat din kayo." sagot ko at saka ibinaba ang tawag.

Lumingon sa akin si Cael tila naghihintay ng kwento.

"Si Ivan. Tinatanong lang kung nasan na tayo, nasa byahe narin kasi sila." paliwanag ko.

Tumango naman ito at saka ibinalik ang atensyon sa pagdadrive.

"Tumawag ba sayo si kuya? Di pa kasi siya natawag sakin." tanong ko kay Cael habang naghihintay kami sa gasoline station.

"Kaninang umaga. Nabanggit niya kanina yung about sa operasyon ni Yosef." napatingin ako sa kanya dahil doon. Saglit akong napalingon sa mga tao sa likod namin, only to found out na nakikinig rin sila kay Cael.

"At ano daw balita? Operation? Yosef is too young for that." mahinang sabi ko.

"I know, baby. Pero hindi ba mas mabuting ma-operahan na siya hangga't maaga pa? Mahihirapan lalo si Yosef kapag hinintay pa natin na lumala ang sakit niya." paliwanag niya.

Got some point, but still I'm worried about Yosef.

"How about the donor? May nahanap na ba sila kuya?"

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon