Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️
Chapter 28
Raven's
In a blink of an eye, we were back in Manila. Yosef, was still in the hospital and kuya Randy is trying all his best. The diagnosis hasn't released yet, so we were waiting for it.
"C, what exactly happened?" tanong ni mommy kay Cael.
Kumpleto kami ngayon at tahimik na naghihintay sa balitang dadalhin ni kuya.
"Nagkakasiyahan tayo nang biglang humawak sa braso ko si Yosef. Hindi ko sana papansinin, kasi hindi naman iyon big deal sa akin, pero napalingon ako nang maging mabigat ang hawak niya and his hands started to tremble. Nang tanungin ko siya kung anong problema ay bigla nalang itong nawalan ng malay at bumagsak sa aking hita. " paliwanag ni Cael.
After, mangyari ang bagay na iyon ay nadala naman namin si Yosef sa isang clinic doon sa hotel, pero agad na nagpatawag si Kuya ng chopper upang maitransfer agad si Yosef dito sa Manila.
Alalang alala ako kaya hinayaan ko nang si kuya ang magdesisyon sa lahat, he's a doctor after all and he's our brother.
"May nakain ba si Yosef? Pero, hindi e, kung may nakain kasi siyang hindi okay, edi sana pati tayo siguradong masama ang pakiramdam ngayon." sabi ni Carol.
Napaisip din ako. What's seems to be the problem?
"Uh, Raven, may sakit ka ba na pwedeng mamana ni Yos...." panandaliang napatigil si Scarlet. Bakit kaya? "I mean, kayo nila Tita? Baka may sakit kayong pwedeng mamana ng bata." nag-aalalang sabi pa nito.
Agad akong nagisip. Wala namang sakit si mommy at daddy. In fact alagang alaga ang health status ng aming buong pamilya dahil tatlo silang doctor sa amin. Wala rin namang liban ang aming annual check up kaya nakakasigurado akong wala kaming sakit na pwedeng mamana ni Yosef.
"Uh, wala naman kaming sakit, iha." bahagya pang tumingin si mommy kay Cael saka muling tumingin kay Scarlet. "Tatlo kaming doctor sa pamilya, at wala naman kaming absent sa aming annual check ups." paliwanag ni mommy.
Exactly! Ganon din ang naiisip ko.
"Well, b-baka naman hindi galing kina tita ang sakit. Maybe, it has something to deal with the environment in Siargao, baka nabaguhan ang bata." sabi ni Harvey. Aba't minsan naman pala ay may saysay ang sinasabi nitong pikit na ito.
Bumuntong hininga ako at saka muling umupo. Humawak sa balikat ko si Cael at bahagyang dinampian ng magaang halik ang aking ulo.
Bumukas ang sliding door at iniluwa noon si kuya at isa pang doctor.
Agad kaming sumalubong sa kanila at nakahanda nang magtanong kay kuya nang mapansin naming seryoso ang kanilang usapan. In the end, hinintay muna namin silang matapos sa kanilang diskusyon bago kami tuluyang lumapit kay kuya.
"Randy, anong nangyari kay bunso?" tanong ni mommy. Hindi kasi ito pinayagan na sumama sa loob, she's may be a doctor but still she's the patient's mother. Baka sa halip na makatulong ay baka maghisterya lang sya sa loob, si kuya man ay hindi pwedeng makialam, sumama lang talaga siya sa loob.
"Uh, mom." nawawalang pag-asang turan ni kuya. Sumulyap ito kay Cael at hindi ko maipaliwanag ang naging tibok ng aking puso. "Yosef, was fine now."
"Kuya, what's the diagnosis?" nag-aalalang tanong ko.
Tumingin si kuya sa lahat at tumigil muli kay Cael ang kanyang mga mata. What's with him? "Well, we found out that..... uhm... Yosef has... c-congenital uh... heart disease."
BINABASA MO ANG
Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)
Ficção GeralArts was only a passion until the flavor of LOVE strikes it. Ano kayang panama ng isang magandang dancer sa isang badboy na music lover? Let's see!
