Chapter 39

32 3 0
                                        

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 39

Raven's

Kinausap kaming dalawa ni Cael ng anak naming si Yosef.

Ipinipilit niyang kaya na niya sa ospital at kailangan na daw naming pumasok sa trabaho. Ayaw nitong nasasayang ang oras namin sa pagbabantay sa kanya kaya mas gusto niyang magtrabaho kami ni Cael.

Mahabang pakiusapan ang nangyari pero sa huli ay napagkasunduan din.

Sisimulan namin ni Cael ang pagpaplano para sa magiging istraktura ng ospital ni kuya ngunit dito kami sa ospital magtatrabaho.

Dala dala namin ni Cael ang aming mga gamit sa trabaho dito sa kwarto ni Yosef nang sa gayon ay nakakapagtrabaho kami at habang ginagawa iyon ay hindi namin kailangang iwan siyang mag-isa rito.

Nandito rin si Scarlet na siyang assistant architect ng proyektong ito ayon sa kagustuhan ni kuya at ganoon rin si Harvey na katulong naman ni Cael.

"Is it okay, Raven or should I remove this part and replace it with something more spacious?" tanong sa akin ni Scarlet habang nakaturo sa kaniyang disenyo.

Tumingin naman ako roon at pinasadahan ng tingin ang kanyang naiguhit. "I think you need to replace it with spacious one. Paborito ni kuya ang ER kaya baka pwedeng palakihan ito ng kaunti compared sa usual na sukat nito." seryosong sabi ko sa kanya at tumango naman ito.

"I think so, too. Thanks." tugon niya at agad na sinimulan iyon.

"Raven, natanong mo na ba si Randy kung saan tayo kukuha ng building materials or mas gusto niyang ang kompanya nalang namin ang magprovide?" tanong sa akin ni Harvey na ngayon ay nakatingin sa planong ginawa namin ni Scarlet at mahigpit na sinusuri iyon upang masimulan na ang construction.

"Hindi ko pa siya natatanong about doon, pero nasabi naman niyang dadaan raw siya dito mamayang lunch para makita ang ating plano. Magla-lunch narin naman kaya hintayin nalang muna natin siya." sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa aking ginagawa.

Tapos ko na ang disenyong para sa ospital ni kuya at ngayon ay ginagawa ko na ang para sa tower nila Cael. Nagkasundo kaming dalawa ni Scarlet na maghati sa pagdidisenyo noong ospital ni kuya kaya naging madali para sa akin. Hinayaan niya munang matapos ko iyong part ko bago siya nagsimula noong sa kanya nang sa gayon ay maibagay niya ang kanyang disenyo doon sa akin.

"Oh? Okay. Kailangan nga natin siyang makausap ngayon." sagot pa ni Harvey.

Tumango ako. "Don't worry, pupunta yun dito sigurado. Masyadong excited si kuya para dito kaya wala iyong palalagpasing detalye."

Panandalian akong tumigil sa aking ginagawa at sumulyap kay Yosef. Kunot noo nitong sinusuri ang mga brochure na ibinigay ko sa kanya. Kay Yosef kasi namin inassign ang pagpili ng mga gamit sa bahay na regalo ni Cael. Excited siya kaya talagang seryoso ito sa pagpili roon.

"Son, are you okay?" tanong ko sa kanya ngunit hindi ako umalis sa aking kinauupuan.

"Yep. I'm busy mama, please don't disturb." seryosong sabi nito kaya bahagya akong napangiwi. Hindi man lamang niya ako nilingon at nakatuon parin ang kanyang paningin sa mga brochure.

Tumingin ako kay Cael at nakangisi na ito sa akin. Maging si Harvey at Scarlet ay ganoon rin. "Wag mo kasing istorbohin, Raven. Hahaha Pucha! Parang batang C ang nakikita ko sa kanya. Ganyan din kakunot ang noo ni C kapag sobrang seryoso sa ginagawa." natatawang sabi ni Harvey.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon