Chapter 19
Raven's
We are packing our things because we will move to my penthouse today. Bagaman malungkot si Yosef dahil mahihiwalay na siya kay Vin ay hindi ito masyado halata sa aking kapatid. Masaya siyang nag-iimpake ng kanyang mga gamit na para bang pupunta siya sa isang vacation trip.
"Saranghae, Noona. Saranghae, Hyung. Saranghae, Umma. Saranghae, Abeoji." Yosef is chanting that repeatedly while packing his things.
Kinuha ko ang isang malaking box upang paglagyan ng isang damakmak na sapatos naming dalawa. Vin is busy helping Yosef with his things.
"Are you sure about this, Raven? You know, you can always stay here, together with Yosef." Bakas ang lungkot sa boses ni Vin. I'm going to miss him sticking around me and Yosef.
"Noona, wants to live with me alone. She is a bit possessive but I love it." Wow ha. Saan naman kaya nakakuha ng confidence itong impaktong ito? Siya nga itong namilit na sumama. Tss.
😳😳😳😳😳😳
"You can always visit us, Vin. Hindi naman kami babalik ni Yosef sa Korea, para magkaganyan ka."
"I know. Fine. But make sure to call me if something came up, okay?" ngumiti naman ako sa kanya at tumago.
"Don't underestimate me, Samchon. I'll be Noona's gorgeous knight when you're not around." Over confident naman ata itong kapatid ko ngayon. Baka nakakain ng panis? O baka naman expired na yung bacon kaninang breakfast?
"That's my guy." Papuri ni Vin kay Yosef.
Dala dala ang aming mga gamit ay bumaba na kami papuntang parking lot. Vin has been very kind on me and Yosef, and I didn't want to abuse him. I badly need him on my side but I know to myself that I should try to be independent now. I am now 29 years old and I already build my career. I can say that any time soon, I want to build my own family but, I am always bothered because I don't want to leave Yosef. He is my little brother, but I always feel that he is more than a brother to me.
Malapit lang naman itong penthouse ko dun kay Vin. Three towers ang pagitan mula roon. Ibinaba ko ang mga gamit na dala ko at saka tinulungan si Yosef sa mga dala niya.
"Noona, nasa baba sina Tita Scarlet tinutulungan si Samchon sa iba nating gamit kaya you don't have to go there again." Tagaktak ang pawis ni Yosef kaya umupo ako sa sofa at nagkalkal ng towel sa aming mga gamit.
"Magpunas ka ng pawis." Utos ko rito saka inihagis ang towel sa kanya. "Magpahinga ka muna ng konting oras at magpatuyo ng pawis bago ka maligo."
"Ye." Mahinang sagot nito saka umupo sa tabi ko at maya maya pa ay narinig ko na ang boses ng aking mga kaibigan na papasok.
"Yosef, paki-on naman ng aircon, please." Kumuha ako ng isang towel at nagpunas din ako ng sariling pawis.
"Raven, saan ito ilalagay." Rinig kong boses iyon ni Harvey.
"Dito nalang muna lahat sa sala guys, mamaya ko na lang aayusin. Magpapahinga lang muna ako."
Isa isa nilang inilagay ang mga box na dala nila at sabay sabay umupo sa sofa.
"Magmeryenda muna kayo." Boses iyon ni Karen.
Dala dala nito ang isang tray ng juice at sa likod niya ay ang aking kapatid na may dala dalang mga cake at kung anu-ano pa.
"Thank you, Karen. Thank you, little big guy." Nakangising sabi ni JC at saka kumuha ng maiinom na juice.
BINABASA MO ANG
Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)
Fiction généraleArts was only a passion until the flavor of LOVE strikes it. Ano kayang panama ng isang magandang dancer sa isang badboy na music lover? Let's see!