Chapter 25

27 2 0
                                        

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 25

Raven's

Nagtuloy tuloy pa ang masayang party dahil sa gulo ng aking mga kaibigan. Yung iba ay hindi maitatannging lasing na at walang hiyang nagsisisayaw sa dance floor.

Nilingon ko si Yosef na nasa aking tabi at nakayapos sa aking braso.

"Aren't you going to sleep, bunso? It's getting late already." sabi ko sa kanya habang tina-tap ang kanyang ulo.

"Mukhang nakatulog na siya, Aira. Napagod siguro sa byahe, hayaan mo muna dyan saglit. Bubuhatin ko mamaya kapag malalim na ang tulog." sabi ni Cael habang nakatingin sa batang si Yosef.

Kami lang tatlo ang naiwan dito sa table dahil nagkakasiyahan na ang iba. Nagpaalam na kanina si mommy dahil napagod ito sa byahe kaya kami nalang ng mga kaibigan ko at sila kuya ang natira dito sa venue.

"Oh, okay. Thank you." sagot ko nalang sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at sumimsim sa kanyang orange juice. Uminom siya ng kaunting beer kanina ngunit sobrang kaunti lang talaga noon. Laging orange juice lang ang hinihingi niya sa mga waiter.

😁😁😁😁😁😁

Tss. Baka strict si Architect Kristy at binawalan siya maginom. Muntik pa kong mapatawa sa isiping iyon.

"You can enjoy the party over there, ako nalang ang magbabantay kay Yosef." nakangiting sabi ni Cael.

Sandali pa akong napatingin sa aming mga kaibigang nagkakasiyahan saka agad na humarap muli kay Cael.

"Okay lang. Wala rin naman kasi ako sa mood na sumayaw. I mean, mamaya nalang tinatamad pa kasi ako." I said half-heartedly

"If that's what you want, then fine. Aira, can I ask you a question?"

Napaayos ako ng upo dahil doon at saka marahang tumango.

"Am I late? Kayo na ba ni Vin?" tanong niya at kapansin pansin ang diin sa pangalan ni Vin.

Why he's even asking?

"Ah. Ahm. Hindi kami. Wala kaming relasyon ni Vin." sagot ko sa kanya.

Buntong hininga ang kanyang naisagot doon. Tumingin siya sa taas kaya napatingin rin ako doon.

🌌🌌🌌🌌🌌🌌🌌🌌🌌🌌

Ang ganda ng mga bituin.

"Twelve years on Spain, without anyone beside me was scary." panimula niya kaya naagawa noon ang atensyon ko. Tumingin ako sa kanya bagaman siya ay nakangiti paring nakatingin sa mga bituin. "I have to say goodbye on the night sky and welcome the next morning, all alone. That's painful, not until I appreciated the existence of the stars. Sa tuwing namimiss ko ang mga taong mahal ko, ang mga bituin ang nagpapaalala sakin na nandyan lang sila parati para sa akin. That twelve long years is not easy. Kailangan kong tiisin lahat ng hirap, pisikal man o emosyonal para maging maayos ang lahat pagbalik ko dito. " tumigil siya at napansin ko ang nangingilid niyang luha.

" Cael, hush. "sabi ko at tinap ang kanyang likod.

" I thought that was the most painful years of my life, pero nagkamali pala ako. Bumalik ako dito, dala dala ang saya sa aking puso dahil sa wakas ay nakabalik na ako at makakasama ko nang muli ang aking pamilya at iba pang mahal sa buhay, ngunit kakaibang mundo ang sumalubong sa akin. Lahat ng naiwan ko ay nagbago na. Alam mo yun, yung tipong halos lahat nakapag move forward na at parang ako nalang ang hindi. " bumuntong hiniga sya at pagkuwa'y nagpahid ng luha. "Yu-yung inaasahan kong babalikan ko ay halos hindi makuhang maging pamilyar sa mukha ko. Yung feeling na parang ako nalang ang tanging nakakaalala sa lahat. Ang sakit non. Hahaha Solid yung sakit." pilit ang kanyang ngiti.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon