Chapter 22

30 3 0
                                        

Chapter 22

Raven’s

Natapos ang date naming tatlo nila Vin at Yosef at masasabi kong kahit papaano ay nakalimutan ko ang stress mula sa mga nangyari nung nakaraang mga araw.

Kita ko ang saya sa mga mata ni Yosef at natitiyak kong dahil kay Vin iyon. Yun ba namang pakainin kami sa isang buffet na halos paborito namin ni Yosef ang lahat ng nakahain. Bukod sa buffet ay bumisita kami sa isang sikat na pasyalan sa Batangas.

HEAVEN ❤️❤️❤️❤️

“Noona, does ate ganda calls you today? Are they busy? Tito Harvey, Tito JC and Tito Ivan didn’t even say hello to me today. What’s the matter with them?” sunod sunod na tanong sakin ni Yosef.

Napansin ko din ang hindi pagtetext o pagtawag sakin ng aking mga kaibigan. Ano kayang nangyare sa mga yun?

Hindi kaya… “Do you think they’re still not ready to tell us their secret?” tanong muli ni Yosef.

“That’s what I’m exactly thinking right now. But I’m not angry to them, and they know me too well para hindi nila maisip yun. Baka busy lang talaga sila today. We’ll try to call them later.” nakangiting sabi ko sa kanya.

“Okay. Magbibihis lang ako, Noona.” paalam niya sakin at tumango nalang ako.

Matagal akong nag-browse sa aking phone about work matters nang sumagi sa isip ko ang aking mga kaibigan. Agad kong idinial ang number ni Harvey para mangamusta.

Aba’t snob ang pikit na ito ngayon. Dati rati naman ay di pa nakakaisang ring ay sinasagot na niya agad ang tawag ko.

Ilan pang beses nag-ring iyon bago may sumagot.

“Hello!” inis na bungad ko.

“Ow ow. Chill lang, Raven. What’s up?” natatawang sabi niya pa sa kabilang linya.

“Busy ba kayong mga ugok kayo at hindi niyo man lang ako kinamusta ngayong araw?”

“Easy, Raven hahaha. Sa katunayan nga ay malapit na kami dyan sa penthouse mo e.” natigilan naman ako dahil doon at bahagyang humupa ang inis. “Relax ka lang dyan, bakit ba ang init ng ulo mo?”

“E kasi naman, nasanay kami ni Yosef na araw-araw ay nakakatanggap kami ng pangangamusta maalin sa inyong anim pero nakakapagtakang wala kaming natanggap ngayong araw maski isa sa inyo. Tch. Pati si Yosef ay nagtatanong sa akin. Ano bang pinagkaabalahan nyo?” kunwa’y nagtatampong turan ko.

“Ah-eh…” saglit na katahimikan ang nagmula sa kabilang linya. “Raven, kakausapin ka daw ni Scarlet.”

“Oh? Okay.” ang weird.

“Hi, Sissy. Wazzup?” masiglang bungad ni Scarlet.

“Hi. Totoo bang papunta kayo dito sa penthouse?”

“Ah. Yeah. In fact, nakapagpark na kami at paakyat na dyan. Sige na sissy, babye na.” di na niya inintay ang sagot ko at ibinaba na ang phone.

“Noona, sinong tumawag?” ngayon ko lang napansin na kaharap ko na pala si Yosef.

“Ah. Si Harvey at Scarlet, nasa baba na sila at papunta na dito.”

“Jinjja? Waaaaa. I missed them.”

“Tss. Parang kahapon lang ay kasama natin sila. Ang OA mo, bunso. Tara sa kusina at maghanda tayo ng mamemeryenda nila?” nakangiting sabi ko at tumango naman siya.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon