Chapter 26

27 2 0
                                    

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 26

C's

Painful but bearable 😊

Pinili mo ito Cael Vincent, magtiis ka. Bear the unbearable. Kayanin mo!

Puno ng sakit ang aking damdamin at halos hindi ako makahinga. Nasasaktan ako sa sarili kong dahilan. Hindi naman ito kasalanan ni Aira e, kundi dahil sa kagustuhan kong maibalik ang dati.

"C, dude." tawag sa akin ng kung sino na sa tingin ko ay si Harvey.

Humarap ako sa kanya at ngumiti, kasama niya si JC, Ivan at Randy.

"Hey." bati ko sa kanila.

"Dude, you okay? Anong nangyare?" tanong ni Ivan.

"Nothing, I'm fine."

Lumapit sa akin si Randy at humawak sa aking balikat. "Kaya pa ba? Kaya pa ba ng puso mo?" tanong niya.

"Oo, naman." nakangiting sabi ko habang tumatango tango. "Kaya nga ako nawala ng matagal diba, para maayos itong puso ko? Tss. Kaya ko lahat basta para kay Aira."

"You sure?" paninigurado ni JC at iyon ang naging hudyat ng pagbagsak ng aking emosyon.

Napahagulhol ako sa pag iyak at hindi ko na iyon napigilan pa.

"Ang sakit pala. Masakit palang umasa sa taong hindi man lang ako maalala. Tss. Natatakot ako, paano kapag nakagawa na ulit kami ng panibagong lovestory ay bigla nalang niyang makalimutan ulit? Pano ako? Paano na ko?" umiiyak ko pang sabi.

"C, di namin masasagot yan, dahil hindi naman kami ang nasa sitwasyon mo, pero asahan mong tutulungan ka namin. Pag pagod kana, jusko pwede namang mamahinga pero wag na wag mong isiping sumuko. Matagal kang nagtiis para dito, C. Matagal! Alalahanin mo nalang yung labindalawang taon mong pagtitiis para lang makasama siya ulit. Kaya mo, nandito lang kami." naiiyak na sabi ni Harvey.

"Bro, kapag napapagod kana, alalahanin mo lang lagi kung para saan at para kanino lahat ng ito. Oo, nahihirapan ka, pero isipin mo ang magiging kapalit ng paghihirap mo. Its better to do things now, than regret it later." sabi ni Randy habang nakahawak sa aking balikat.

Ngumiti ako sa kanila na bahagyang naging ngisi." Let's drink? Inom tayo tapos pag-usapan natin kung bakit di tayo kamahal mahal." natatawang sabi ko pa.

"Pucha, di pa man ay heartbroken kana? Sige, iinom natin yan at ating pagusapan kung pano natin nakayanan ang ating problema sa loob ng napakatagal na panahon." sabi ni Harvey na aming ipinagtaka.

"Anong problema? May problema ka? " tanong ni JC

" Nako nako, problema nating lima yun. "

" Alin? " tanong muli ni JC sa singkit na si Harvey.

" Hmm. Kung bakit tayo gwapo. " masiglang sagot niya na ikinangiwi naming lahat.

" Tss. Tara na nga, mas mukha kang may sakit kaysa kay C. Sakit sa utak ang iyo, malala na." sabi ni Ivan at hinila na kami papalayo. "Randy, may gamot pa ba dito kay Harvey? Wala parin bang nadidiskubre? Aba'y galing galingan niyo naman ang pagreresearch niyo dyan sa medisina, nang tuluyan nang gumaling ang sapak nitong si Harvey. Matagal na niya itong iniinda, sobrang lala na." biro niya pa kay Randy.

"Tch. Wala na atang gamot diyan, pero hayaan mo kapag di mo na matiis bibigyan kita ng pampatulog. hahaha Turukan mo nalang kapag di niyo na kayang tiisin." biro din ni Randy at bahagyang natigilan si Harvey.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon