Chapter 9
Raven's
Weeks past and the foundation week came. We've been practicing everyday, that's why I am very exhausted for the past weeks, idagdag pa ang responsibility namin sa booths.
Bukod sa daming gawain sa booths at preparations para sa competition ay may iba pa akong pinagkakaabalahan. Halos maghalo halo na ang mga dance steps sa utak ko dahil sa competition at syempre dahil narin sa parte ako ng cheering squad.
"Guys, you look horrible." Natatawang sabi ni Pikit.
"You know what, mamaya kana mang-asar Pikit. Baka di ako makapagpigil at masaktan kita." Nakakainis na tong pikit na to e.
Nandito kami ngayon sa booth ng VIP's. Sina Cael at JC ay naghahanda para sa basketball game nila mamaya, ako at si Bea naman ay nag-aayos narin para sa cheer dance para sa opening ng foundation week.
"E kasi naman Raven. Kayong apat lang naman ang nagpapahirap sa sarili niyo e. Kung di na kayo kumuha ng ibang responsibility edi sana, chill lang tayo ngayon dito sa booth natin. Last day pa naman ng foundation week ang competition kaya dapat nakakapag-relax narin kayo ngayon." Mahabang litanya ni Pikit.
"Kung di lang kasi ako pinilit na sumali sa competition edi sana di ako ganito kapagod." Inirapan ko si Pikit dahil pikon na pikon na talaga ako.
"Relax, Raven. Masyado ka namang pikon, sige ka lalo kang magmumukang losyang, pano kana lang sa Aquaintance Party?" nakangising sagot ni Pikit.
Losyang? Ako? Lintek na Pikit na to.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at agad na hinagip ang buhok ni Pikit. Naiinis na talaga ako e. Humanda ka saking Pikit ka. Balatan kaya kita ng buhay?
"Sinong losyang ha? Sino?" gigil na gigil ako sa pagsabunot sa kanya.
"Aray ko naman Raven." Tumatawa parin sya kahit sinasabunutan ko na. "Nagjojoke lang naman ako e."
"Then your joke is not funny at all." Halos malagot ang litid ko dahil sa pagsigaw at ramdam ko ang pagtingin sa akin ng mga tao sa paligid ng booth namin. WAKOMPAKE!
"Don't worry Raven, you look totally gorgeous even how much you exhaust yourself. You are naturally beautiful." Agad na nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Cael. Natahimik ako at muling bumalik sa upuan ko dahil sa hiya, because of what Cael said.
"Tama si "C", you are always stunning. You don't even have to put make-ups to be one." Nakangiting sabi ni Scarlet habang inaayos ang buhok ko.
Nawala ang galit na iniisip ko at napilitan ng ngiti, dahil sa sinabi nila. I got too much compliments for today, although maraming nagsasabi sa akin na maganda ako, because of my long black wavy hair, naturally pink cheeks and red lips na pinaresan pa ng aking maputing balat, matangos na ilong at mataas na tindig, pero iba parin pala ang papuri kapag nanggaling sa kanila. My heart flutters a lot!
Wala lang 'to. Ano ba naman kayo? Tss. Maliit na bagay 😊
"There's no room for insecurities about getting ugly Raven. Sa ganda mong yan ay maraming lalaking head over heels sayo." Carol giggled.
Carol, ako lang to ha? Wag masyado ma-overwhelm.
"Carol, ano namang pakealam ko sa kanila kung higit namang magagandang lalaki ang ating mga kaibigan. Right guys?" Tumingin ako kina Cael, Ivan, JC at Harvey at ngumiti. "Sila palang sapat na." natatawang dugtong ko.
Cael jaw clenched na wari'y di nagustuhan ang sinabi ko. Tss.Arte pa? Ano, dapat sya lang?
Ngumisi naman si Pikit, JC at Ivan na parang boyscout na nabigyan ng badge, dahil sa papuring sinabi ko. Mens and their ego. Tss
BINABASA MO ANG
Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)
General FictionArts was only a passion until the flavor of LOVE strikes it. Ano kayang panama ng isang magandang dancer sa isang badboy na music lover? Let's see!