Chapter 40

40 3 0
                                        

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 40

Raven's

Nagdaan pa ang maraming araw na namalagi kami sa ospital. Halos araw araw kong nasasaksihan ang paghihirap ng anak ko.

Tuluyan na kaming umuwi ng bahay at piniling dito na pagpahingahin ang bata. Mas nararamdaman daw kasi ni Yosef na mahina siya every time na nakahiga siya sa hospital bed. Pinagbigyan namin siya sa kanyang kagustuhan.

Ngayon ay nagbibihis kaming tatlo.

Nasa harap ng walk-in closet sila Yosef at Cael upang tingnan ang kanilang kabuuan sa salamin. Naka red na hoody silang dalawa at parehas na nakadenim pants. Pati sapatos nila ay magparehas din.

Naiinggit ako dahil gusto ko ring magganoon pero hindi nila ako ibinili noon.

Pinagtulungan nilang piliin ang damit na isusuot ko ngayon kaya wala na akong nagawa. Nagtataka man ay isinuot ko parin ang isang color white na maxi dress na pinili nila at tenernuhan iyon ng isang gladiator na flat. Di ko gets kung bakit ito ang kanilang ipinasuot sa akin samantalang sila ay feeling comfy sa kanilang hoody.

Nag-ayos ako ng buhok habang silang dalawa ay busy rin sa kanilang ginagawa.

Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon!

Ayaw ko na sanang lumabas dahil gabi na at baka kung mapaano pa si Yosef, pero talagang mapilit ang mag-amang ito.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko habang abala sa aking buhok.

"Basta. Make it faster baby. Baka malate tayo." nakangising sabi ni Cael kaya nagkibit balikat na lamang ako.

Nang tuluyan akong makontento sa aking ayos ay niyaya ko na silang umalis.

Gagabihin kami masyado at makakasama iyon kay Yosef.

Habang nasa byahe ay panay ang linga ko sa daan at pinipilit intindihin ang daang aming tinatahak.

"We're here!" anunsyo ni Cael.

Bumaba siya ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka kinuha si Yosef sa backseat at dahan dahang iniupo sa wheelchair.

Tanaw kong maraming tao roon sa di kalayuan. Parang may concert!

Nang tuluyang makalapit doon ay agad kong nakita ang aking mga kaibigan. Kompleto silang lahat maging sina kuya ay naroon din.

Anong meron?

Umupo kami sa monoblock chair para sa aming tatlo. May stage sa harap kaya mukhang concert nga ito.

Tumingin akong muli sa aking mga kaibigan at agad akong napangiwi. They are all sporty today. Ako lang ang nakadress!

Tumingin ako kay Yosef at Cael at parehas silang humahagikhik. Pinagkaisahan ba nila ako?

Umirap ako sa kanilang dalawa at saka humarap sa stage. Ang tagal naman! Nakakainip!

Napapitlag ako nang biglang dumagundong ang isang beat mula sa mga naglalakihang speakers sa paligid.

Nang makarecover ay muli akong napapitlag nang biglang nagtayuan ang aking mga kaibigan, maging sina kuya at Yosef ay tumayo rin. Agad akong nabahala sa pagtayo ni Yosef ngunit agad iyong nawala nang kumindat ito sa akin.

Naiwan ako at si Cael kasama ang maraming tao na hindi ko naman kilala.

Nagmartsa silang lahat papunta sa stage. Sabay sabay at nasa beat!

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon