Chapter 32

25 3 0
                                    

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 32

Raven's

"So, he's your boyfriend now. How come?"

Mariin akong napapikit dahil sa tanong ni Vin. Oh boy, I don't know how to face this.

"I'm sorry." I finally speak. "I know this is all fast, Vin. Kahit ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bigla ko nalang napagtanto na mahal ko na siya. Its not as if, I played with your feelings, God knows how much I tried to reciprocate the love and affection you have given me. It's just that..... " natigil ako nang marinig ko ang maliliit na hikbi ni Vin.

Oh my. Raven, what have you done?

"No need to be sorry. I knew it all along. Siguro nga ay alam ko nang mahal mo siya bago mo pa mapagtanto yun ngayon. I knew it. I knew it because I've been borrowing you to him. This sucks!"

Hindi ko maintindihan. May kinalaman ba ito sa mga nawala kong alaala?

"I'm really sorry Vin. Maiintindihan ko kung magagalit ka sakin, believe me I'll understand. I'm sorry Vin. I love you, but not as much as I love Cael. Lagi kong naiisip na may kulang sa pagmamahal na nakukuha ko sa loob ng napakahabang panahon but when I saw Cael at that very moment..... I knew I'm finally complete. I'm sorry.. " umiiyak ako hindi dahil pinagsisisihan ko ang naging samahan namin ni Vin, kundi dahil nasasaktan ako para sa aking kaibigan.

Siya ang nakasama ko sa loob ng napakahabang panahon. Naging sandalan ko kapag pasuko na ko sa lahat. Siya ang karamay ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinasayang ang isang Kevin Davis, pero I don't want to be selfish. Ayaw kong masaktan ko pa sya lalo. Never again.

"Raven, don't blame yourself, ginusto ko ito. It will always be my pleasure to be hurt by you. Only you, Raven. Siguro nga sign na ito upang ipamukha sa akin lahat ng ito. C, comes first. Ako talaga ang panggulo."

"No, Vin. Don't say that! You are a good person and I'm a living proof of that. Ikaw ang naging sandalan ko sa loob ng napakahabang panahon. You are my comfort zone, Vin."

"I understand, Raven. Kailangan ko lang siguro ng time para mag-isip. Take care of yourself. Tawagan mo nalang si Karen, I'm not going to work today. Bye, bye." humalik siya sa aking ulo.
He's really this kind. God!

Gustuhin ko mang kausapin pa sya ng matagal ay hindi ko na siya pinilit pang manatili rito. He needed space.

"I'm still your friend, Vin. I'm still your beloved, Raven. Kung kailangan mo ko, just give me a beep. I'll be there, right away. Take care." paalam ko pa sa kanya bago siya tuluyang lumabas ng penthouse.

Somehow, I felt relieved. Alam kong hindi ito magiging madali para kay Vin, pero alam kong magandang nalaman na niya agad ito. I'm going to give him space. I'll talk to him some other time.

Umakyat ako sa kwarto upang puntahan si Cael. Maybe he's already bored.

Nang buksan ko ang pinto ay nakaupo si Cael sa aking kama, kunot noo siyang nakaharap sa laptop. What is he doing?

"Hey." tawag pansin ko sa kanya.

"Hi. Where's Vin? Are you okay?" tanong niya nang tuluyan akong makaupo sa kanyang tabi.

Umiling ako at sumimangot. "I think he's mad. Naiintindihan ko naman iyon, but still, nakakalungkot. Kaibigan ko si Vin kaya nakakalungkot isipin na galit siya sa akin." mahinang sabi ko.

Agad niya naman akong niyakap. "That's alright. Magiging maayos din si Vin. He's strong." sagot niya.

"I hope so." nakangusong sabi ko. Hinalikan niya ako sa aking batok at agad ko namang naramdaman ang pag-init ng aking pisngi.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon