Chapter 38

28 3 0
                                        

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 38

Raven's

Hindi ko mapigilan ang lubos na kaligayahan nang makita ko si kuya Terrence na nakasakay sa isang motorbike. Gwapong gwapo ito sa kanyang suot na all-white suit.

Nang sulyapan ko si Yosef at Cael na kapwa ganoon rin ang suot ay lalo akong napangiti. Nakasakay sa wheel chair si Yosef ngunit hindi ito nagpahuli sa pagporma. Magkatulad na magkatulad ang suot nilang tatlo, pati wayfarers ay magkakatulad rin.

Lahat ay abala sa grand entourage. Best man syempre si Cael at si ate Celine naman ang maid of honor. Groomsman at bridesmaids kaming magkakaibigan.

Inaasahan namin ang pagdating ni Carol anumang oras ngayon sakay ng isang karwahe. Naalala ko pa ang sabi ni kuya Terrence noon. "Sa karwahe ko isasakay si Carol at hindi sa kotse. Gusto kong maramdaman niyang isa siyang reyna sa araw ng aming kasal."

Kumaway sa akin si Harvey na ngayon ay siyang may hawak sa wheelchair ni Yosef kaya agad akong lumapit sa kanila.

"Why?" tanong ko.

"Take a photo of us." nakangising sabi niya at saka iniabot sa akin ang camera. Ngumiwi muna ako bago ko iyon kinuha.

Pumwesto si kuya Terrence sa likod ng wheelchair ni Yosef. Katabi niya sina Cael, Ivan at JC sa kanan at sa kaliwa naman ay sina kuya Randy, kuya Johnson at Harvey.

Nakailang kuha ako ng litrato bago ako nakontento. Tiningnan ko sa camera ang mga iyon at ngumiti. "Ang popogi niyo!" I giggled.

"Kami naman!" sigaw ng papalapit na si Scarlet. Hinablot niya sa akin ang camera at ibinigay iyon kay Harvey. Hinila niya ako roon sa tabi ng nakapwestong boys kasama si Bea.

"Teka, paano ko?" nakangusong sabi ni Harvey.

Natawa pa kaming lahat nang kalabitin niya si ate Celine at doon ipanahawak ang camera. Ang kulit!

Nang sa wakas ay dumating na si Carol lulan ng isang magarbong karwahe ay nagsimula nang mangilid ang luha ni kuya Terrence. He's really in love. Inabutan pa siya ng tissue ng nakangising si Cael.

Matapos maglakad sa isang mahabang red-carpet ay sabay sabay naming pinanood ang pagbukas ng malaking pintuan ng simbahan.

There we saw our stunning friend. Her eyes are glittering. Kita iyon kahit pa natatabunan ang kanyang mukha ng isang belo. Ang kanyang pa-balloon na gown ay lubhang bumagay sa kanya. Wala pang bakas ng pagiging buntis kaya hindi maitatangging sexy parin ito.

Nagsimulang kumanta si Harvey ng isang pamilyar na kanta. "Beautiful in White"

Narinig ko ang impit na hikbi ng aking dalawang katabing sina Scarlet at Bea. Natawa ako sa kanilang reaksyon. Wala pa man ay umiiyak na sila. Maging si ate Celine ay umiiyak narin agad!

Ibinalik ko ang paningin kay Carol at nakangiting pinagmasdan siya hanggang sa makarating sa dulo at sa wakas ay mahawakan ang kamay ni kuya Terrence.

Nagbatian pa ang pamilya bago tuluyang magsimula ang kasal.

Lumipas pa ang ilang sandali ay nagsimula na ring lumandas ang mga takas na luha sa aking mata. Lahat kami ay naging emosyonal nang marinig namin ang kanilang wedding vows. Full of love and honesty!

Matapos ang maikling seremonyas ay kinuhanan na kami ng kung anu-anong litrato.
Mayroong kaming buong squad at syempre ang pamilya.

Hindi narin namin hinintay na matapos ang lahat sa kanilang ginagawa dahil kinailangan narin naming iuwi sa ospital si Yosef.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon