Chapter 23

26 3 0
                                        

Chapter 23

C’s

It’s her birthday!!!!!

❤️❤️❤️❤️❤️

Maaga akong bumangon upang makapaghanda na sa trip mamaya. Naki-sleep over dito sa penthouse ko ang boys kaya sabay sabay naming susunduin ang aming mga kasama after naming makapagready.

Nakangiting nagluto ako ng almusal naming apat at bagaman madami akong niluto ay di ako nakaramdam ng anumang pagod. Mukhang ganadong ganado ako ngayon. Tss. Aira, maaga mo naman atang ni-full charge ang sistema ko. Napailing pa ko sa aking naisip ngunit di parin nawala ang ngiti sa aking mga labi.

Punong puno ng kasiyahan ang aking puso ngayong araw, it’s seems that I woke up on the right side of the bed. Binuhay ko ang sound system at itinodo ang volume nang sa gayon ay magising na ang aking mga kasama.

Hindi naman ako nabigo nang isa isa silang nagbababaan at pare-parehong ngumiwi sa akin. Muntikan pang mahulog sa hagdan si Ivan, dahil nakapikit itong naglalakad. Loko talaga.

“Dude naman, ang aga aga pa e. Masyado ka namang excited! Pucha, antok na antok pa ko.” reklamo ni Harvey habang nagkukusot ng mata.

“Aba’t nagrereklamo ka pa? Dapat ka pa ngang matuwa dahil nagluto ako ng almusal para sa inyo.” natatawang sabi ko.

Napahinto sila sa paglalakad at nagtinginan muna sa isa’t isa bago nagtakbuhan papalapit sa akin kaya nabigla ako at muntikan pang mahulog sa kinauupuan ko. “Ow ow. Ano ba? Aatakihin ako sa inyo e!”

“Dude, ikaw ba talaga ang nagluto nyan?” manghang sabi ni Ivan habang nakaturo sa mga pagkain na nakahain sa dining table.

Luminga naman ako sa paligid ko bago magsalita. “May nakikita pa ba kayong ibang tao dito bukod sakin? Pucha, malamang ako ang nagluto! Alangan namang gumalaw ng kanila yang mga ingredients at nagkusang maluto ng kanila.” nakangiwi pa ko sa kanya.

Tumingin si JC sa lahat ng pagkain sa dining table at saka muling tumingin sa akin at bahagya pang nakangiwi.

“Scam yan dude. Baka nagpaluto lang yang si C, may on-call chef dito sa tower nila.” natatawang sabi ni JC.

“Gano ba ka-imposible na magluto ako at ganyan nalang kayo maka-react? Mag-isa ako sa Spain sa loob ng napaka-tagal na panahon, sa tingin niyo pano ako kumakain doon? Tss. Wag kayong kumain kung ayaw niyo ng luto ko!” sigaw ko pa at saka umayos ng upo at sinimulang kumain.

Ang daming satsat!

“Seryoso ka talaga, dude?” pag-uulit pa ni Harvey habang kumukuha ng pagkain at isa isang nilalagyan ang plato nila JC at Ivan.

Nasanay talaga siyang pinagsisilbihan kami sa pagkain at yun ang namiss ko sa kanya sa loob ng labindalawang taon.

“Oo nga, ang kulit. Good mood ako today kaya wag nyo nang tangkaing pasamain. Kumain nalang kayo at mag-ayos na nang mga gamit niyo, maaga tayong aalis.”

“Okay ka lang ba talaga C? Baka may masakit sayo?” pahabol pa ni JC na humawak pa sa leeg ko upang i-check kung may lagnat ako.

😣😣😣😣😣😣😣😣

“Lintek ng…. Ang corny mo, dude.” inis kong sabi sa kanya.

“Ngayon mo na ba sisimulan ang panliligaw kay Raven? I mean, may pasabog ka ba mamaya pagdating natin sa Siargao? Kaya ba ganyan ka ka-excited?” nakangising tanong ni Harvey habang hinahalo ang kape na tinimpla nya para sakin.

“Oo, may pasabog ako mamaya. Tch. Mabibigla ka sa pasabog ko.” ngumisi din ako sa kanya at nagkagat labi pa.

“Anak ng… Dude, ano yan ha? Parang kinakabahan ako dyan a.” tatawa tawang sabi niya. “Ano namang pasabog yan? Nako C, ayos na ba ang stamina mo para sa mga pasabog na yan? Baka mamaya nyan, mauna ka pang mapagod kay Raven at hindi na matuloy ang pagpapasabog mo.” malisyoso ang tingin niya kaya napangiwi ako.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon