Chapter 34

27 3 0
                                    

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 34

C's

Ilang linggo na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala parin kaming mahanap na donor.

Araw araw kaming naghahanap sa iba't ibang ospital. Halos hindi na kami pumapasok sa kanya kanyang trabaho, good thing we are surrounded with good and efficient employees para mag takeover habang busy kami ngayon.

"C, tanungin kaya natin yung sa pinapagamutan mo sa Spain? Baka sakali lang." sabi ni Harvey habang nakaharap sa laptop niya. Nagsesearch kaming apat ng mga ospital at isa isang nagsesend ng request sa mga iyon. Nasa penthouse ko kaming apat at halos dito na sila tumira dahil sa paghahanap.

Si Aira naman ay kasama ang girls. Sila ang bahala sa pagbabantay kay Yosef- my child. Habang nasa clinic ay panay rin ang sagot nila sa mga phone calls galing sa mga ospital na hiningan namin ng tulong.

Hindi pala talaga porket may pera ka ay makukuha mo lahat ng kailangan mo.

"Nagsend narin ako ng message sa kanila, wala pang response hanggang ngayon. Pero sige.... magsesend ulit ako, baka kasi di nila nabasa." sabi ko at agad iyong ginawa.

"Nagrequest narin ako sa mga kakilalang doktor ng aming pamilya. Hintayin nalang natin kung mayroon silang maitutulong." seryosong turan ni JC.

"Pati mga kamag-anak namin sa abroad ay hiningian ko na ng tulong. They are willing to help, though. Nabanggit ko kasing anak mo yung patient kaya agad silang nag-confirm ng tulong. They'll search for hospitals around China and promised that they'll make sure that Yosef will be on the priority list." sabi naman ni Harvey.

Hindi ako makontento sa aming ginagawa ngunit sa ngayon ay alam kong ito lang ang aking pwedeng gawin.

Napapitlag ako nang may tumunog na phone. Kay Harvey iyon.

"Yes, hello?" bungad nito sa kausap. "Oh, Scarlet! Bakit?............ Ngayon na?....... Nandito sa tabi ko... Okay."

Iniabot niya sakin ang phone at kunot noo ko naman iyong tinanggap.

"C!" bungad sakin ni Scarlet. Naalarma naman ako dahil halos sumigaw na ito. But then, I realised. Natural nga palang nakahigh pitch ang boses ni Scarlet.

"Why? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko.

"Kailangan ni Yosef ng wheelchair, hindi na siya makagalaw ng ayos. Hindi naman pwedeng lagi siyang nakahiga. Baka naman ma-paralyze na siya."

"Oh? Sige. Pupunta na kami diyan. Bibili na kami. Ano pang kailangan? Nasan si Aira?"

"Nagluluto si Raven, nagrequest kasi ng pasta si Yosef. Alam mo naman ang batang iyon, mahilig sa pasta. Anyway, ibili niyo narin ng kung anong pwedeng paglibangan si Yosef, naiinip na ang batang ito dito sa loob ng clinic."

"Alright. We'll be there in a few. Nandyan ba sa tabi mo si Yosef? May I speak to him?"

"Sige. Wait."

"Hello?" boses iyon ni Yosef. Mahina dahil batid kong nanghihina na siya pero ang totoo'y medyo mabuti ang pakiramdam niya ngayon compared sa mga nakaraang araw.

"Young man, are you doing good? May masakit ba sayo?" pinipilit kong huwag pumiyok. Nagsimula narin kaming mag-ayos ng gamit para makaalis na at makabili ng mga kailangan ni Yosef.

"Y-yes, I'm doing good po. Noona's cooking pasta right now, punta na po kayo dito. Let's eat together po."

"Really? Papunta na kami diyan. Wait for us alright?"

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon