Chapter 30

25 3 0
                                        

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 30

C's

Aira is missing!

Napansin kong medyo natagalan ang pagbalik ni Aira kaya napagpasyahan kong iwan muna sandali si Yosef sa clinic at saka lumabas.

Napadaan ako sa sala at kapansin pansin ang tensyon sa kanilang lahat. Tss.

"Where's Aira?" tanong ko sa kanila kaya agad silang lumingon sa akin.

Nagtataka silang tumingin sa akin. Okay. Hindi nila alam.

"D-di ba kasama mo s-sa clinic?" nauutal na sabi ni Scarlet.

"Uh. Nagpaalam siyang lalabas lang saglit para kumuha ng inumin sa kusina, pero nagtagal siya at nauuhaw narin si Yosef kaya sumunod na ako." sagot ko sa kanya.

Tumuloy ako papuntang kusina pero wala rin doon si Aira. What's happening?

"Wala din siya sa kusina." anunsyo ko. Nagkatinginan muna silang lahat bago sila tuluyang naalarma.

"Di kaya?---" sambit ni Carol na bahagya pang namilog ang mata.

Kunot noo ko silang tiningnan. Tama si Aira, pa-weird sila ng pa-weird.

"Oh God... don't tell me... Narinig niya ang... Let's find her!" sigaw ni Tita kaya pati ako ay kinabahan narin.

"What's happening?" naguguluhan kong tanong.

"Mamaya kana magtanong! We need to find my sister, C. She might hurt herself!" sigaw ni Randy kaya bigla akong naalarma.

Kinuha ko ang aking phone mula sa bulsa ng aking pantalon. Nanginginig ang aking kamay na nagdial ng number ni Aira. "Fuck! Unattended!" sigaw ko.

Nag-iyakan na ang girls. What's with them?

"Can someone enlighten me please?" mahinahong sabi ko.

"Tawagan mo si Vin, Scarlet baka nakita niya si Raven. Tumawag ka naman sa opisina, Carol, magtanong ka kung bumalik doon si Raven!" sigaw ni Tita.

"C, let's go! Hahanapin natin si Raven, I'm sure hindi pa iyon gaanong nakakalayo." sigaw sa akin ni Randy.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko maintindihan ang sitwasyon.

"C, let's go!" sigaw niyang muli.

"R-randy, what's going o-on?" naghihinang sabi ko.

"Nag-uusap kasi kami kanina dito sa sala about her condition... uh her amnesia. Sa palagay namin ay narinig niya kami." si Harvey ang sumagot.

"Fuck! How can you be so careless, guys!" sigaw ko nang sa wakas ay maintindihan ang sitwasyon. "Harvey! JC! Magtawag kayo ng security! Palibutin niyo sila sa buong tower na ito. Check the CCTV's too!" sigaw ko at agad naman silang sumunod.

"Bea, ikaw na muna ang bahala kay Yosef." tumango naman ito sa akin. "Girls, tawagan niyo lahat ng posibleng puntahan niya. Tawagan niyo nalang kami kung may balita na. Randy! Ivan! Let's go." sigaw ko pa bago tuluyang lumabas ng penthouse.

Fuck! Why is it my baby again? Why?

"Let's go to her penthouse, C. Ivan, sa CCA ka." sabi ni Randy at walang sabi sabing umalis na kami.

Panay ang naging pagmumura ko habang nagdadrive. I can't lose her, not again. Halos paliparin ko ang sasakyan patungo sa penthouse ni Aira.

Nang makarating doon ay agad na kinausap ni Randy ang security ng tower, ako naman ay patakbong pumunta sa unit ni Aira.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon