Chapter 24

23 2 0
                                        

Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️

Chapter 24

Raven's

Matapos ang munting salo salo sa baba ay agad kaming nagpunta sa kanya kanyang kwarto upang mag-ayos ng gamit at para na rin makapagpahinga.

"Raven, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Carol.

"Ha? Ah. Oo, okay lang ako." sagot ko nang magising mula sa malalim na pagiisip.

"Hindi ka mukhang okay." sabi ni Scarlet.

"Ahm. S-si Cael..." agad silang napatingin sa akin at kunot noong inintay ang susunod kong sasabihin. "...parang kilala ko sya na hindi. Kakaiba ang tibok ng puso ko kapag tinitignan niya ako, lalo na kapag kinakausap."

Nakangiting tinitigan nila ako na wari'y may magandang balita akong sinabi.

"Are you falling for him, Raven?" malisyosang tanong ni Scarlet.

"No. Of course not. I mean, i don't know. Di ko maintindihan." nag-isip pa ako kunwari at saka muling tumingin sa kanila. "Iba yung kaba ko kapag siya ang nasa harap ko kaysa sa kaba na nararamdaman ko kay Vin. Yung parang kahit ngayon ko palang siya talagang nakikilala ay parang mas higit ko pa syang kilala kaysa kay Vin. Basta ang labo."

"Well, that kind of feeling is actually normal. I mean, wag mong pigilan ang mga sinasabi ng puso mo. Kahit kailan ay hindi ka ipapahamak niyan." sabi ni Carol at idinuro pa ang dibdib ko."Kung lamang si C edi lamang siya, kung lamang si Vin, then be it. Pero wag na wag mong ibabase sa tagal ng pagkakakilala ang nararamdaman mo, dahil hindi iyon sapat na basehan. Magiging unfair ka sa kanila at pati narin sa sarili mo, kapag utak ang ginamit mo."

"At hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo. Everything happens on its right timing. Mararamdaman mo yun kapag tamang oras na para mamili. Everything has its timezone, you don't have to rush them." sabi naman Bea.

"Ang tanong, nangliligaw ba siya sayo? Nanliligaw ba si C sayo? Alam nating matagal nang nanliligaw si Vin, pero si C ba nagsabi na sayo?" malisyosang tanong ni Carol.

"Ah. I don't know. Oo ata....."

"Kyaaaaaaaaaaa." palirit nilang tatlo.

"Nagsabi siya sayo? Kailan?" tanong ni Scarlet.

"Oo? Sinabi niya sakin kanina. Pero di ko sure kung....."

"Sure na yun, Raven. Sure na sure na yun. Hindi mahilig magbiro si C, kaya sure yun." nakangiting sabi ni Bea.

Talaga ba? Di sya marunong magbiro? Sabi daw?

"Well, let's see kung nagsasabi nga sya ng totoo." sabi ko at saka huminga ng malalim nang makarinig kami ng sunod sunod na katok mula sa may pintuan.

"Aira! Aira! Open the god damn door! Aira! Scarlet?" boses mula sa labas.

"That's C. Buksan mo Raven." sabi ni Carol.

Nag aalinlangan man ay wala na akong nagawa kundi pumunta sa may pintuan at dahan dahan iyong binuksan.

Sinalubong ako ni Cael ng mahigpit na yakap at hinalikan ako sa noo. "Baby, are you okay? Anong nangyare? Bakit kayo sumisigaw? Is everything alright?" sunod sunod na tanong niya ngunit di ko magawang sumagot dahil sa sobrang bigla dahil sa ginawa niya.

😳😳😳😳😳😳😳😳😳

"Ah, C. Nagkukwentuhan lang kami at may naikuwento ata akong nakakatawa kaya napairit kami." pagsisinungaling ni Scarlet.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon