Chapter 6

52 5 0
                                        

Chapter 6

Raven's

Minsan mapapa-isip ka na lang talaga kung pwedeng bumuka ang lupa para lamunin ka. Tulad ngayon, gusto ko nang magpalamon sa lupa. Hays 😑

"C-can we talk inside your car, Cael?" mahinang tanong ko.

Lumakad siya para pagbuksan ako ng pinto doon sa shot gun at nagmamadali naman akong pumasok.

Nakita kong umikot si Cael at agad ring nakapasok sa sasakyan. Pinaandar niya ang sasakyan.

Wala umimik at pawang mga buntong hininga lamang ang maririnig sa buong sasakyan, kulang nalang pati kuliglig marinig namin.

Pumasok kami ng university at inihinto ni Cael ang sasakyan sa parking lot ng VIP's.

"Now, talk." Mariing untag nito.

"Look, matagal nang panahon simula nung tumigil ako sa drag ra—"

He cut me off. "Then, why did you do that this time?"

"Because Johnson ask for a favor. Kaibigan ko naman din siya lalo na si Scarlet na kapatid niya, wala naman sigurong masama na tumulong sa isang kaibigan di ba? ." Mahinang salita ko.

"And his favor is to put yourself into danger? Ganon ba yun?"

His voice was intimidating. A voice full of power and authority.

"Like I said, I'm already used to that kind of racing on the past years, so..."

"So, you think that you can do it anytime? Basta basta ka lamang sumugod doon nang di man lang nag-iisip ng mabuti. Ni hindi mo nga nagawang magpaalam sa parents mo o kaya kahit sa kuya mo man lang. L"

"Hindi naman sa ganon Cael." Mahinahong sagot ko.

"Gaano ba kalaki ang pusta ha? Sa pagkakaalam ko naman ay masyado ka nang mayaman para mangarap pa ng iba."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Ano Raven Aira? I can't see any important reason for you to join that race, unless it is something really important." Mapanuring untag niya.

What to expect with him? He is really observative and intelligent. Damn it!

"Anong pusta ha?" paguulit niya ng tanong

"Uhm. Malaki kasi talaga yung pusta Cael. Biruin mo yun Bugatti ang pusta." Pilit ang ngiting sabi ko. I am trying to be more pleasing but...

"Don't try my patience Ms. Cojuangco. I am not buying your reason. You know why?"

"W-why?" paghahamon ko.

"It's simply because you afford it. Kahit ilang Bugatti ang gusto mo, kayang kaya mong bumili non. Kahit magtitig-isa pa tayong walo ay sigurado akong kayang kaya mong bumili." Sagot nito.

"F-fine." I sighed defeated.

"Spill the beans, Cojuangco. I'm waiting."

"Buhay ni Johnson ang pusta." Mahinang sagot ko.

"Ano?" sigaw niya.

"Buhay ni Johnson ang pusta." Pag-uulit ko.

"Ano?" sigaw niya muli.

"Buhay ni Johnson ang pusta." Mahinang sabi ko muli.

"Pucha, Cojuangco. Alam mo ba ang pinasok mo?" galit na sigaw niya.

Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon