Dancing with the Rhythm Called Love written by lucidstellar ❤️
Chapter 31
C's
Nang makarating sa aking penthouse ay agad akong humiga sa aking kama. Wala akong ganang kumain at hindi narin nagawang maligo.
Nanghihina ngunit kailangan kong maging malakas. Hindi lang para sa akin kundi para narin kay Yosef at Aira. I don't want to lose them. None of them!
Looking back to what happen years ago, am I really happy? Pinagsisisihan ko ba ang lahat nang nangyari? I don't know.
Struggling on my own. Living independently. Suffering! Hospital gaming ang ganap ko sa Spain.
Aira. The most precious woman for me. She's suffering! She's fragile! She's tired and all!
Yosef. He's still so young, yet he's sick already. He didn't even know what's happening around him. He's damn clueless!
And me. Disease free. Forgotten by the love of my life. Being deprived! But needed to be strong. Kaya ko pa ba?
Maaga akong nagising kinaumagahan, di ko na namalayan na nakatulog ako kagabi sa pag-iisip. Seems like my body clock was cooperating with me. Agad akong naligo at nag ayos para makapunta na sa penthouse ni Aira. I need to check her.
Tumunog ang aking phone habang nagsasapatos ako. Si Randy.
"Hey." bati ko.
"Uhm. Good morning, buti naman at gising kana. Am I disturbing you?"
"Hindi naman. What's up? May problema ba?" mariing tanong ko. Ang aga naman ata niyang magising.
"Well, tungkol kay Yosef." panimula niya. Agad naman akong napaayos ng upo. "Tinawagan namin ni mommy lahat ng koneksyon namin para sa magiging heart donor ni Yosef. Alam kong masyado pang bata si Yosef para sa operasyon, pero iniisip ko ring hindi ba mas magandang bata pa lang siya ay maoperahan na agad ito? I mean, para matapos na at hindi na tuluyang lumala." paliwanag ni Randy sa kabilang linya.
Napaisip naman ako. He's right. And I believe in Yosef, makakaya niya iyon. "Kung yun ang sa tingin niyong tamang gawin, then let's do that. May donor na ba?"
"Yun nga ang itinawag ko sayo ngayon e. Uh... natawagan na namin lahat ng pwede naming tawagan but..... unluckily, walang available na donor. C, kailangan natin makahanap ng donor sa lalong madaling panahon, wag na nating hintayin na manghina si Yosef dahil mas lalong magiging risky ang operation kung mag kaganon. " woah! Another problem.
Cael, ang daming blessings!
"Hihingi ako ng tulong sa mga kakilala ko at sa koneksyon ng aming pamilya. Pupunta dyan mamaya sina Scarlet, ikaw nalang ang magsabi sa kanila. Baka may maitulong sila sa paghahanap." sagot ko.
"One more thing, C. Si Raven, uhm.. pupunta ba kayong dalawa dito mamaya?"
"Oo. Susunduin ko lang siya sa penthouse niya. Dadaan din kami saglit sa bahay para kausapin ang pamilya ko, bago naman siguro dumating diyan ang mga kaibigan natin ay nakarating narin kami. Bakit?"
"Wala naman, naitanong ko lang. Ikaw na muna ang bahala sa kapatid ko ha? Itutuloy namin ni mommy ang pag-aaral sa kondisyon ni Yosef habang hinihintay namin kayo. May dalawang doktor pa kaming inimbitahan para makatulong sa amin, mapagkakatiwalaan ko ang mga iyon."
"Sige. Tatawagan nalang kita mamaya. Kayo na muna ang bahala kay Yosef. Ibababa ko na ang tawag."
"Sige. Salamat." sagot pa nito bago maputol ang linya.
BINABASA MO ANG
Dancing with the Rhythm Called Love (COMPLETED)
General FictionArts was only a passion until the flavor of LOVE strikes it. Ano kayang panama ng isang magandang dancer sa isang badboy na music lover? Let's see!
