CHAPTER 1: THE COMPANY

181 5 0
                                    

SANTELMO INDUSTRIES.

Isa sa mga successful na kumpanya dito sa Pilipinas.

Manufacturer ng mga security needs tulad ng security alarms, CCTV cameras, at etc. Provider din ng mga highly train na security guards na kasalukuyang hinahired ng mga kilalang establisyamento, subdivision at yung maliliit na kumpanya.









Ang founder nito ay ang mag-asawang Mera at Mary Benito.

Galing ang dalawa sa may mga kayang pamilya. Nakapagtapos sa kursong Mechanical Engineering si Mr. Mera at Electronics and Communication Engineering ( ECE ) naman kay Ms. Mary.









Nang makagraduate sila ay agad na nagpakasal at biniyayaan ng dalawang supling na lalaki. Tapos nun ay saka nila sinimulang buuin ang Santelmo Industries.









Nagsimula lang ang dalawa sa isang maliit na opisina na kinalaunan ay lumago at naging isa na ngang matagumpay na kumpanya dahil na rin sa sipag at tiyaga ng mag-asawa.









Ilang taon ding namayagpag ang Santelmo sa larangan ng industriya.









Dahil nga sa paglago ng negosyo ay nahirapan din ang mag-asawa sa pagpapatakbo nito kaya naman kinuha ni Mr. Mera ang kanyang kapatid na si Mr. Melvin Benito.

Naging magkatuwang ang tatlo sa lalo pang pag-asenso at pagpapatibay ng kumpanya.









Ngunit isang malagim na pangyayari ang naganap sa pamilya Benito.

Naaksidente ang mag-asawa na agad nilang ikinamatay. Iyon ay hindi inaasahan ng mga kaanak nila, nalungkot at nagdalamhati ang lahat.









Naiwan naman si Melvin para patakbuhing mag-isa ang Santelmo.

Sa pagkawala nung dalawa ay parang nawala rin ang swerte ng kumpanya. Nabaon ito sa utang dahil sa pagbaba ng income nito.









Sinubukang salbahin ni Mr. Melvin ang Santelmo ngunit nabigo siya. Di niya kaya ang mga ideya at diskarte ni Mr. Mera sa pagpapatakbo ng negosyo.









Nang inaakala ng lahat na tuluyan nang babagsak ang Santelmo ay isang tao ang nag-step up at nagbigay ng pag-asa sa kumpanya.









Si Pyro, ang bunsong anak ng mag-asawang Benito.

Nakapagtapos sa mga kursong Computer Science, Industrial at Mechanical Engineering. Suma cum laude sa isang kilalang mataas na paaralan.

Nag-aral din sa ibang bansa para lalong mahasa ang kanyang kaalaman.









Sa anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang mga magulang ay saka siya umuwi sa Pilipinas para maging CEO ng Santelmo Industries.









Wala namang tumutol ng i-take over niya ang kumpanya hindi dahil sa anak siya ng may-ari, kundi dahil sa sobrang qualified siya sa posisyong iyon.









Sa pag-upo ni Pyro ay unti-unting bumangon ang Santelmo. Umangat ang sales at nabayaran ang mga utang sa bangko.

Hindi lang yun, nahigitan pa nito ang nagawa ng kanyang ama dahil sa mga bago at kakaiba niyang ideya na lalo pang nagpalago at nagpatatag sa future ng kumpanya.









Dumami ang consumers, lalo na ang investors ng Santelmo. Nagkaroon na rin ng ilang branch sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas.

Dahil dun ay umangat pa ng umangat ang rankings and sales ng Santelmo sa iba pang kumpanya at masasabing sobrang successful na nito.









Dahil din sa nagawa niya ay marami siyang natulungang tao para magkaroon ng trabaho mula sa maliit hanggang sa mataas na posisyon.









Proud naman si Mr. Melvin sa nagawa ng kanyang pamangkin.

Ang lahat ng tagumpay ay utang na loob nila sa galing at talino ng bagong CEO.









Si Pyro Benito, ang futurist at ang puso ng Santelmo Industries!









SA ANNIVERSARY PARTY NG SANTELMO.....

MR. WILLIAM. ( ANG TAPAT NA KATIWALA NG PAMILYA BENITO ) POV

"Ikinalulugod kong ibalita sa inyo na tumaas na naman ang rankings natin ngayong taon?! "









Nagpalakpakan ang lahat ng bisita sa mga sinabi ni Mr. Melvin.

"At dahil ito sa inyo na masisipag, matiyaga at mga nagtiis para maging better pa ang ating kumpanya. "




( palakpakan )




"Mula sa mga investors natin, mga supervisor, branch manager, mga staff, mga trainers at mga magagaling nating engineers at technician. Kayong lahat ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon sa rurok ng ating tagumpay! "









Malakas ang naging hiyawan at palakpakan ulit ng mga tao.

"At siyempre, pwede ba nating kalimutan ang mabuting tao na muling nagbigay-buhay sa Santelmo Industries. Kundi dahil sa kanya ay wala sana tayo dito para i-enjoy ang gabing ito. Ang dahilan sa lahat ng success na tinatamasa natin ngayon. Walang iba kundi ang pamangkin ko at ang CEO ng Santelmo, si Mr. Pyro Benito!! "









Malakas na palakpakan ulit ang aking narinig. Tapos ay nagpalinga-linga ang lahat na para bang inaabangan ang paglabas ni young master.









Napatingin naman sa akin si Mr. Melvin.

Isang simpleng iling lang ang tinugon ko sa kanya.









Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha nito.

"Ahm, pasensya na? Nakalimutan kong sabihin na.....

......na hindi nga pala makakapunta ang CEO dahil may......

.....may importante siyang lakad sa mga oras na ito. Pero ibinilin niya sa akin na siguruhin ko daw na magiging masaya ang mga bisita ngayong gabi. May mga dance entertainment, games at exciting prizes tayo para sa inyong lahat So, enjoy the night! "









Nagpalakpakan na ulit ang lahat ng bisita. Tapos ay bumaba na si Mr. Melvin sa maliit na entablado para kausapin ang ilang mga bigating tao sa industriya.









Matapos ng picturan, kamayan at kamustahan ay nagkaroon ng isang dance number mula sa mga staff.









Habang nalilibang ang mga guest ay pasimple akong nilapitan at binulungan ni Mr. Melvin.

"Asan si Pyro? Dapat nandito siya ngayon dahil importante ang gabing ito. Baka isipin ng iba lalo na ng mga investors na ayaw silang makasalamuha ng CEO. " tanong nito.









Napabuntong-hininga na lang ako.

"Pasensya na po Sir. "

"Di ko kailangan ng pasensya? Ang kailangan ko ay ang presensya ni Pyro? Nasaan na ba talaga siya? "

"May importante lang po siyang tinatapos. "

"Huh? Tinatapos? Ano naman? Teka, wag mong sabihing..... "










-mhonvondeasce09-

MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon