CHAPTER 9: WILDFIRE

61 2 0
                                    

PYRO POV

"A H H H H H H !!!! TULUNGAN NIYO AKO !!!! A H H H H H H !!!! "









Ramdam na ramdam ko ang sobrang init at paso sa buong katawan ko.

Halos hindi ako makahinga at hindi ko malaman ang aking gagawin.









Nagpagulong-gulong na ako ngunit ayaw pa ring mamatay nung apoy.

"TULUNGAN NIYO AKO?!! HINDI KO NA KAYA?!! MAMATAY AKO?!!









Halos dalawang minuto rin yata akong tinupok ng apoy.









Nang inakala ko na katapusan ko na ay bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na tunog mula sa ibaba nitong tulay.









Dahil dun ay unti-unti akong gumapang papalapit sa gilid at tinanaw yung nasa ibaba.










B A N G !









Naramdaman ko ang pagtama ng bala sa akin, hindi ko nga lang alam kung saan dahil nagpatihulog na ako sa rumaragasang tubig nung ilog.









"A H H H H H H H H H !!! "









Bigla akong nagbalikwas sa pagkakahiga.

Halos habulin ko na rin ang aking hininga.

Nakaramdam din ako ng pananakit sa kanang balikat ko.









Nang sapuhin ko iyon ay napansin ko na nakabalot na iyon ng benda. Pati ang buong katawan ko.









Nang pinagmasdan ko naman ang paligid ay medyo nadiliman ako dahil wala man lang kailaw-ilaw dun sa kwartong kinalalagyan ko.

Tanging ang ilaw lang sa labas nitong silid ang may liwanag ngunit parang galing lang iyon sa isang kandila.









Nasapo ko ang aking ulo at inalala ang mga nangyari.

Teka? Nasaan ba ako? Ano ba ang nangyari?









Nang maalala ko ang lahat ay kinapa-kapa ko ang sarili.

Sandali? Buhay ako? Pero papaanong.....??









Ang alam ko kasi ay sinunog nila ako ng buhay at binaril pa?









Kung nakaligtas man ako eh di ba dapat malaki ang naging damage sa katawan ko lalo na yung mga paso na gawa ng pagkakasunog sa akin?









Pero parang wala naman akong nararamdamang kirot o hapdi maliban na lang dun sa balikat ko.









Habang nag-iisip ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas nitong kwarto.










Marahan akong bumangon at kinuha yung tungkod na nakasandal dun sa may ding-ding.

Di ko kasi alam, baka kasi nasa kampo pa ako ng kalaban. Mabuti na yung sigurado.









Maingat akong lumabas nung kwarto.

Agad kong natanaw ang isang ilawan na nakalagay sa bote.









Nang makita ko ang apoy niyon ay naalala ko yung pagsunog sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin rito. Medyo sumakit din ang ulo ko ng bahagya.









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon