HEAT UP PART 2

49 1 0
                                    

MARTINA POV

Kahit na mahigpit ang seguridad sa loob ng Mansiyon ay madali pa rin akong nakakapasok doon dahil kilala naman ako ng mga guards.










Pagkapasok ko sa malaking sala ay wala akong nadatnan dun na kahit sino.

Kaya naman umakyat na ako sa second floor.









Habang umaakyat ay biglang nag-ring ang phone ko na ikinagulat ko pa.

"Oh, Kai? Bakit? "

("Nasaan ka? ")

"Andito na ako sa Mansiyon? "

("Ah, okay. Eh nandiyan ba si Pyro? ")

"Hindi ko pa alam? Para ngang walang katao-tao dito eh? "

("Talaga? Pinuntahan mo na ba siya sa kwarto niya? ")

"Papunta pa lang. "

("Oh, baka naman kapag nakita mong nakahubad si Pyro sa kwarto niya eh bigla mo na lang sunggaban? ")

"Alam mo Kai, pasalamat ka at wala ka rito. Kundi, binali ko na yang leeg mo. "

("Hahaha..... ")









Nang makarating ako sa kwarto ni Pyro ay walang ring tao doon. Tiningnan ko pa ang banyo ngunit wala talaga dun ang lalaki.

"Kai? " sabi ko sa phone.

("Oh? ")

"Wala siya dito eh? "

("Huh? Talaga? ")

"Ano Kai? Tumawag na ba ako ng mga pulis? FBI? NBI? At mga sundalo? "

("Grabe ha? Agad-agad? Magtanong ka kaya muna sa mga maid o kaya kay Mr. Willy? ")

"Wala nga akong makitang maid? Kahit na si Mr. Willy ay wala? "

("Huh? Hmmm..... ")









Nanahimik si Kai sa kabilang linya.

"Oy, Kai? "

("Sandali, nag-iisip ako. ")

"Bilisan mong mag-isip? "

("Oo na. ")

"Tatawag na ba ako ng mga otoridad? "

("Wag ka ngang excited? ")

"Anong excited? Sira-ulo?! Nag-aalala lang ako? "

("Wag kang mag-aalala? Ligtas naman siguro ang syota mo? Masyado kang exaggerated? ")

"Ano ka'mo? "

("Wala-wala. Ah! Alam ko na. Tumingin ka na ba sa Rooftop? ")

"Rooftop? "

("Oo, malay mo nandun siya. ")

"Sigurado ka ba? "

("Hindi? ")

"Ewan ko sa'yo, Kai?? "

("Ikaw naman, subukan mo lang. Malay mo. Kapag wala siya doon eh tatawag na tayo ng pulis, FBI, NBI at mga sundalo. ")

"Tsk. "

In-end ko na ang call.









Tapos nun ay nagdalawang-isip ako kung pupunta ba ako sa Rooftop o hindi.

MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon