CHAPTER 21: LIT

46 2 0
                                    

PYRO POV

Kinaumagahan, napasugod sa Mansiyon si Tito at galit na galit na tinukoy yung tungkol dun sa naging balita kagabi.

"Who is this pervert that using my brother's name?! "








Langya si Tito, nakakatakot? Galeyt na galeyt?? Gustong manakeyt??









Napayuko na lang ako sa hiya kahit na hindi naman niya alam na ako yung lalaki sa balita.

"Calm down, Tito? "

"Paano ako hihinahon?! Kung may isang tao ang sumisira sa pangalan ng yumao kong kapatid?! "

"Hindi naman 'ho siguro ganun? "

"Anong hindi?? Sinong matino ang maghuhubad sa harap ng mga tao at susunugin ang mukha nila?? At sino ang may gusto na tawagin kang maligno?! Alam mo ba na marami na ang tumatawag sa akin at nagtatanong na kung kilala ko daw yung nasa video?! Iniisip kasi nila na baka daw nabuhay mula sa impyerno ang Daddy mo at ngayon ay naghahasik na ng lagim dito sa mundong ibabaw?! My god?? "

"Lagim? Grabe naman silang mag-isip? Eh di'ba niligtas niya yung mga hostage? Baka naman, mabuti ang intensyon niya? Baka gusto niya lang talagang tumulong sa mga nangangailangan? "

"I don't care?! Dapat di siya gumagamit ng pangalan ng ibang tao?! "

"Tito? Baka naman nagkataon lang na kapangalan ni Dad yun? "

"Teka nga? Bakit mo ba ipinagtatanggol ang malignong iyon?? "









Maligno talaga? Hindi ba pwedeng Superhero?









Maya-maya ay napansin ko na nanlaki ang mga mata ni Tito.

"Teka, wag mong sabihing.....









.....kilala mo kung sino ang hinayupak na iyon?? "









Ako naman ang nanlaki ang mga mata.

Patay?? Anong gagawin ko kapag naisip niyang ako pala yung lalaking may apoy sa mukha?? Sasabihin ko ba??

"Oh baka naman isa 'to sa mga kaibigan mo?? "

"Ha? Ah, naku malabo yang sinasabi niyo? Hindi niyo mapaghuhubad si Kai sa harap ng maraming tao at lalo namang hindi iyan si MM? Atsaka, baka isipin niyo na AKO yan ha? Hindi ako yun, 100%..... Ahm, bawasan natin ng konti. Mga 80% na hindi ako yun. "

"Wala naman akong sinabi at iniisip na ikaw yun pero..... Oh god?? "









Napasapo ito sa kanyang noo.

"This is embarassing, lalo na sa pamilya natin. Pyro?? Please? Gawan mo'to ng paraan?! Kasuhan mo ang dapat kasuhan?! Lalo na ang lalaking iyon na gumagamit sa pangalan ng ama mo. "









Napaisip ako sa sinabi niya.

Ano kaya ang magandang ikaso sa sarili ko? Yung mababaw lang para maipiyansa ko rin ang sarili ko. Hehehe.....









"Pyro? "

"Po? " napapitlag ako ng tawagin ako ni Tito.

"Are you listening? "

"Ah..... Yes?! Yes?! Ako na pong bahala. Mananagot ang lalaking iyon sa akin. "









Crossed-finger.....














MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon