SECOND DEGREE BURN PART 2

52 1 0
                                    

OTHER POV

Isang tawag ang natanggap ko mula sa aking tauhan.

"Sir, bad news. Buhay pa po ang CEO. "

"What? Sigurado ka? "

"Yes, Sir. Kinumpirma po sa amin iyon ni Mr. Villanueva. "

"Langya, may sa pusa ata ang taong iyon. "

"Ano po ang gagawin natin? "

"Plan B tayo. "

"Okay po. "

"Ipagbigay alam mo rin ito kay Mr. X. "

"Yes, Sir. "














PYRO POV

GABI..... 6:00 PM.....

Pagabi na ng maisipan naming magligpit. Tutal, sitaw na lang naman ang natitirang tinda ni Lola.

Marami talaga kasi ang bumili kanina dahil dun sa ginawa kong pagpapacute sa mga mamimili.









Habang nagliligpit kami ay biglang may nagkabangaan na dalawang babae malapit sa tapat namin.

"Naku, sorry?! "

"Sorry din, .......Teka? Jemy? "

"Oh, Aerah? Ikaw pala?! "

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko eh nakaluwas ka na? "

"Ah Oo, Lumuwas na ako kaso bumalik ako kasi nag-aalala ako sa inyo. "

"Huh? Bakit naman? "

"Ewan ko ba. Bigla na lang kasi àkong kinabahan. Para bang may masamang mangyayari. "

"Ano ka ba? Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Okay lang kami. Relax ka lang. Baka stress ka lang sa work. "

"Siguro nga. "

"Ano nga palang ginagawa mo dito sa palengke? "

"Malamang, namimili. " nagulat ako ng biglang sumabat si Lola dun sa usapan nung dalawa.









Napalingon naman sa amin yung isang babae na tila nainis sa biro ng matanda.

"Ah, ano? May bibilhin ka pa ba? Halika samahan na kita?. " sabi naman nung isang babae na may pagkatisay.









Natunugan yata nito na aawayin nung kasama niya si Lola.

"Tara na. " hinila na nito ang kamay nung kaibigan niya na matalim pa rin ang tingin dun sa matanda.









Pero nagtaka ako ng makalayo sila ay tiningnan at kinindatan  ako nung babaeng tisay.

Teka? Kilala niya ba ako? Pero di ko naman siya namumukhaan? Baka naman nagwapuhan lang sa akin? O kaya'y kilala niya talaga ako at baka nakasiping ko na siya dati? O baka naman hindi? Pero infairness ha, napakaganda niya.

Ah, ewan na lang.










Nagkibit-balikat na lang ako. Napansin ko naman na humahagikgik si Lola.

"Si Lola talaga. " nakangiting sabi ko rito.

"Grabe, may mga tao talaga na masyadong seryoso sa buhay. Nagjo-joke lang naman ako eh? Gagalit agad? Hehehe..... "









Napailing na lang ako. Tama nga si Lolo Gonio, may pagkapilya nga itong si Lola.

Ipinagpatuloy na namin ang aming pagliligpit.









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon