CHAPTER 14: FIRE ESCAPE

53 2 0
                                    

PYRO POV

Sa ilang araw na pananatili ko rito sa lugar na ito ay marami akong bagong naranasan at natutunan.









Mga gawaing bahay tulad ng pag-iigib, pagsisibak ng kahoy, paglilinis at pag-aayos ng bahay, pagtatanim at paglalaba.

Mga bagay na hindi ko naisip na gagawin ko sa buong buhay ko.









Naranasan ko rin ang maligo sa ilog, mag-cr sa isang maliit na silong na sako lang ang ding-ding, uminom sa bukal, kumain ng palaka at ahas, uminom ng lambanog, umakyat sa puno ng mangga at niyog, sumakay sa kalabaw, at kung anu-ano pa.









Pero ang mas mahalagang natutunan ko ay ang magdasal.

Ako na nga minsan ang nagli-lead ng prayer bago kami kumain.









Siguro kung nandito si Kai at si MM ay pagtatawanan ako ng mga iyon.









Oo nga pala, may isa pa palang nagbago sa akin.

Yung phobia ko.

Hindi na ako inaatake ng pagkahilo at paninikip ng dibdib sa tuwing nakakakita ako ng apoy.









Tinulungan kasi ako ni Lolo na mawala ang phobia ko.









Sa una ay pinapasindi niya ako ng posporo at talagang nakakaramdam ako ng takot. Ngunit paunti-unti ay nasanay din ako.

May hugot pa nga si Lolo dun sa posporo eh. Sabi niya 'kapag nasasaktan ka na, bitawan mo na siya'. Langya, nakuha pa talagang humugot. Tsk.









Ako na nga rin minsan ang pinapasindi niya sa kanyang sigarilyo. Para daw lalo akong masanay.

Di ko alam kung para pa sa akin iyon o para sa katamaran niya. Ewan ko lang.









Gabi-gabi rin siyang nagpa-fire dance para lalo daw akong masanay na makakita ng apoy. Okay lang daw kahit maubos ang gas nila basta matulungan niya lang daw ako.









Minsan naman eh pinagmamasdan ko yung apoy sa may kalan kapag nagluluto si Lola.









May mga sumisingit pa rin naman sa isip ko na masasamang alaala pero ipinipikit ko na lang iyon at ipinagdarasal. Yun kasi ang sabi sa akin ni Lola. Ipagdasal ko na lang ang takot na nararamdaman ko.










Naramdaman ko rin sa lugar na ito ang kakaibang kasiyahan at kapayapaan ng lugar.

Hindi ako naii-stress dahil wala akong iniisip o tinatapos na trabaho.









Ang gaan nga sa pakiramdam eh.

Ngayon ko lang narealize na matagal-tagal na rin pala nung huli akong nakapag-unwind.









Simula kasi ng namatay ang aking mga magulang at inako ang Santelmo ay puro trabaho na ang aking ginawa. Tanging bahay lang at pakikipagsex sa magagandang babae ang naging pahinga ko.









Nakakatawa lang isipin na si Mr. William ang pinagbabakasyon ko pero ako pala ang may kailangan nito.









Mula ng mapadpad din ako sa lugar na ito ay may ilang bagay rin ang bumabagabag sa akin.









Simula kasi nung unang araw na mapunta ako rito hanggang ngayon ay gabi-gabi kong napapanaginipan yung nangyari sa akin 5 years ago.









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon