CHAPTER 28: ASHES

45 1 0
                                    

OTHER POV

Di tulad ng ibang satellite eh ang  Benito Satellite ay hindi nakapwesto sa orbit ng earth.

Nasa ibaba lang ito na sakop pa rin ng gravity ng ating mundo.









Kaya naman kung sakaling mawala o masira ang nagsu-suistane ng power nito ay hihigitin ito ng gravity at babagsak ito sa lupa.








Tulad ng nangyayari ngayon.

Dahil sa pagsabog ng main computer ng satellite ay nawalan rin ito ng power at unti-unti ng bumabagsak mula sa langit.









At kapag pumasok na ito sa earth ay hindi na magiging mabagal ang pagbagsak nito dahil na rin sa gravitational force.









Para itong isang napakalaking tipak ng bato na tatama sa bayan.















PYRO POV

Nang ligtas akong nakasampa ulit sa platform ng Tower ay sakto naman na tumigil ang ulan.








Humiga ako at pinagmasdan ang maaliwalas ng kalangitan. Napatingin din ako sa mga bituin na nagkalat.









Tapos nun ay tinakpan ko ng kanang kamay ang aking mga mata atsaka umiyak.









Pero napatigil din ako sa pag-iyak ng makarinig ako ng kakaibang tunog na nagmumula sa kalangitan.










Pagtanggal ko ng kamay ko ay nakita ko ang isang maliit na bagay na umaapoy na unti-unting bumababa mula sa itaas.









Dahil dun ay dali-dali akong napabangon.

"Ano yun?? "









Akala ko nung una ay bulalakaw lang, ngunit napagtanto ko na hindi iyon bulalakaw.










Teka, Bulalakaw?









/"Kapag nasira ang Main computer ay mawawalan ng power ang Satellite at babagsak ito sa earth na parang isang rumaragasang bulalakaw. "/










Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang sinabi ni Tito kanina.

"Sh*t?? Wag mong sabihing?? "









Lalo pa akong kinabahan ng mapansin ko na habang pababa ng pababa yung bagay na iyon ay palaki iyon ng palaki.











Nang kinalkula ko kung saan ito babagsak ay lalo akong kinabahan. Tatama kasi iyon.....








......sa bayan mismo??










"Anong gagawin ko?? Anong gagawin ko?? Isip?? Isip?? "










Teka? Wala nang ulan? Ibig sabihin eh magagamit ko na ang powers ko.











Sinubukan kong paliyabin ang aking buong katawan.

Ayaw.

Basang-basa kasi ako, isa pa eh medyo ramdam ko na ang pagod.









Sinubukan ko ulit ng isa pa.









Maya-maya ay uminit ang pakiramdam ko at naramdaman ko ang pagsingaw ng tubig sa aking katawan.









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon