CHAPTER 11: NINGAS-KUGON

66 3 0
                                    

MARTINA POV

Kanina pa ako hindi mapakali. Maya't-maya ko ring tinitingnan ang aking cellphone.

Inaantay ko kasing tumawag si Kai. Gusto kong malaman kung may balita na ba tungkol kay Pyro.









Ang kaso nga lang eh ang tagal namang tumawag ng lalaking iyon?

Kainis?

Pag-ako nainip eh ako na ang tatawag sa kanya.









Dalawang araw na ring nawawala si Pyro. Hanggang ngayon ay wala pa kaming alam kung buhay pa ba siya o.....









.....patay na?

Diyos ko?! Wag naman sana?!









"Oy Tina?! May nanghihingi ng tubig, paki-assist mo nga muna! "

"Opo, nandiyan na po. "









Itinabi ko muna yung cp ko at inasikaso ang mga customers namin.









Kasalukuyan akong nasa karinderya na pinagtatrabahuhan ko.

Pag-aari ito ni Tita Susie na kapatid ni Mama.









Si Tita Susie ang kinikilala ko ngayong magulang.

Simula kasi ng mamatay sina Mama at Papa ay siya na ang kumupkop at nag-alaga sa akin.









Istrikto si Tita pero mabait naman ito at may konting kapilyahan. Sa kanya nga ako natutong maging kalog eh.

Sa edad niyang 40 ay matandang dalaga ito. Ayaw niya daw kasing mag-asawa dahil sakit lang daw sa ulo ang mga lalaki.









Anak din naman ang turing niya sa akin. Siya ang nagpaaral sa akin mula pa nung elementary hanggang high school. Kaya naman, bilang ganti ay tumutulong ako sa karinderya niya.

Pinag-aral niya din ako hanggang first at second year college pero nung nagkaroon siya ng malubhang sakit ay tumigil ako sa pag-aaral para alagaan siya at asikasuhin na rin ang karinderya.









Di ko sinabi kina Pyro at Kai ang tunay na dahilan kung bakit ako titigil sa pag-aaral dahil alam kong di sila mag-aatubili na tulungan kami.

At ayoko ng ganun.









Kung para sa kanila ay tulong lang yun pero para sa akin ay isa iyong awa.

At ayoko ng kinaaawaan. Mataas na kung mataas na ang pride ko  pero ayoko talaga yung ganung pakiramdam.

Naaawa na nga ako sa sarili ko na wala na ang tunay kong mga magulang, eh yun pa kaya.









Magulang naman na ang turing ko kay Tita Susie at mahal na mahal ko ito pero iba pa rin talaga kapag tunay na mga magulang ang nagpalaki, nag-aruga at nagmahal sa'yo.









Ayaw din ni Tita ng kinaaawaan kaya malamang na tatanggi din yun sa tulong nung dalawa.









Kahit papaano ay nakaraos si Tita sa kanyang sakit ngunit nagamit naman namin sa pagpapagamot ang puhunan niya sa kanyang negosyo.

Wala namang problema dun dahil madali namang nakahiram sa bangko si Tita. Ngunit lahat ng pera na nahiram niya ay nagamit nito sa puhunan at pagpapaayos ng karinderya kaya naman hindi na ako nakapag-enroll para sa ikatlong taon ko sa kolehiyo.









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon