CHAPTER 18: THE PARTY

52 1 0
                                    

PYRO POV

Ipinakita ko kay Mr. Willy mula sa aking computer yung bagay na in-order ko sa ibang bansa.

"Silica-based quartz sand fabric. "

"Ano yan Sir? "

"Yan ang ginagamit ng NASA (National Aeronautics and Space Administration ) sa mga space shuttle para hindi sila masunog kapag bumabalik sila ng earth. Abrasion Resistant at Heat Resistant kasi ito. "

"Ah. Pero Sir, bakit kayo umorder ng ganyan? "









Napangiti ako.

"Yan kasi ang susuotin ko kapag naging Superhero na ako. "

"Ha? "

"Ah? I mean, kapag ginagamit ko ang apoy ko para hindi ko naman nauubos yung mga imported kong damit kapag pinagliliyab ko ang sarili ko. "

"Ah. "

"Ipina-customized ko yan para makagalaw ako ng maayos. Spandex style. "

"Ah, ganun po ba. "

"Baka bukas o sa Sabado ang dating niyan dito. Naeexcite na nga ako eh. "

"Sa Sabado? Ay, oo nga pala? "









Nagtaka ako sa reaksiyon ng matanda.

"Oh bakit, anong meron sa Sabado? "

"Inimbitahan po kasi ako ng Tito niyo sa gaganaping party sa Sabado. "

"Party? Para saan? "









Bumuntong-hininga muna ito.

"Para po sa pagkakaluklok niya sa posisyon na CEO. "









Bahagya akong natigilan.

"Ah, okay. Pero bakit di ko yata alam ang bagay na iyan? "

"Hindi po ba kayo nasabihan? "

"Hindi eh? Ni wala nga akong invitation letter na natangggap? "









Nagkibit-balikat na lang ang matanda.

"Hay, di bale na nga lang. Pupunta na lang ako kahit hindi ako invited. Siguro naman, papapasukin ako doon kahit papaano. "














SABADO, SA CELEBRATION PARTY NA GINANAP SA SANTELMO INDUSTRIES.....

Suot ang mamahalin kong gray tuxedo ay nagtungo ako sa party ni Tito Melvin.

Dahil sa kilala naman ako ng mga guards ay pinapasok nila ako kahit wala akong hawak na invitation letter.









Hindi naman sumama sa akin si Mr. Willy dahil hindi naman daw siya sanay sa mga ganung okasyon. Mas gusto niya pa raw magbasa ng libro sa Mansiyon habang umiinom ng tsaa.









"Hi, Pyro. Remember me? " sabi ng isang napakagandang babae na humarang sa daraanan ko.

"Ahm, hindi eh. "

"Aray? " daing nito ng hawiin ko siya.









Wala kasi ako sa mood makipaglandian. Ewan ko ba, simula ng makabalik ako galing sa bundok eh nawalan na ako ng interes sa pambababae.

"Tawagan mo ako ha? " sigaw pa rin nito sa akin.









"Pyro? "









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon