ST. ELMO'S FIRE PART 2

55 3 0
                                    

PYRO POV

SANTELMO FOUNDATION.....

Isa itong charity organization na itinayo ng aking mga magulang.

Marami na itong natulungan tulad ng mga nasalanta ng kalamidad at mga senior citizen na may malubhang karamdaman.

Tumutulong din ito sa mga PWD na magkaroon ng puhunan pang-negosyo.









Pero ang mas priority nito ay ang mga bata.

Tulad ng pag-ampon sa mga batang lansangan na wala nang mga magulang at pagtulong sa mga batang may sakit kagaya ng cancer o kahit anong malalang karamdaman.









Natutugunan ang lahat ng pangangailangan nito dahil ang pondo ng charity ay nagmumula sa 3% ng kita ng Santelmo.









Sa totoo lang eh hindi pa ako nakakatuntong o nakakadalaw sa lugar na ito.....

.....ngayon pa lang.









"Nagtataka na talaga ako sa'yo? " sabi sa akin ni MM habang namimigay kami ng mga laruan sa mga bata.









Nagpasama kasi ako sa kanya na mamili sa Mall ng maraming laruan para ibigay sa mga bata sa Foundation. Nagpaluto rin ako ng mga pagkain tulad ng spaghetti at fried chicken.









"Bakit naman? "

"Sa tagal kasi na magkaibigan tayo ay ngayon mo lang ito ginawa? Ano namang nakain mo? May malubha ka na bang sakit? Mamamatay ka na ba? "

"Alam mo, grabe ka sa akin. "

"Joke lang, ito naman. "

"Wala lang. Naisip ko lang kasi si Lola kaya ginawa ko ito. "

"Ah. "









( Naikwento ko na kina MM, Kai at Mr. William ang tungkol kay Lolo Gonio at Lola Maria at ang lahat ng tulong na ibinigay nila  sa akin. )









"Atsaka, ang ko-cute kaya ng mga batang ito. "

Pagkasabi ko nun ay kinurot ko sa pisngi yung batang aabutan ko sana ng regalo.









"Aray? "








Nagulat kami ni MM ng marinig naming umaray ito.

Malaki kasi ang boses nito na para bang matanda.

"Wag mo ngang makurot-kurot ang pisngi ko? Tadyakan kita diyan eh. "

"U-unano ka? "

"Sinong unano?? "

"Ah wala-wala?? Teka, sino ka ba? "

"Ako ang janitor dito. "

"Ja-janitor ka dito? "

"Oo, bakit? May problema ka? "

"Wa-wala naman. Eh ano bang kailangan mo? At bakit ka nakapila eh para sa mga bata ang pilang ito? "

"Gusto ko rin sana ng laruan. "

"Gusto mo ng laruan? Naglalaro ka pa rin? "

"Oo, pakealam mo ba? "

"Bigyan mo na lang. " bulong sa akin ni MM.

"Ah..... Oh, eto. " inabutan ko ito ng stuffed toy na barney.

"Ayoko niyan. "

"T*ng *na? Choosy ka pa?? " galit na sabi ni MM.









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon