CHAPTER 30: FIRE EXIT

52 1 0
                                    

2 DAYS LATER.....

DR. MELENCIO POV

"Atsaka dati nung bata pa kami, habang naghuhugas ng plato si Mr. Willy eh alam mo ba na bigla ba namang dumating sina Melvin at Mera. Pinagkaisahan nila yung matanda. Alam mo ba kung ano ang ginawa ng mga loko-lokong iyon? "

"Ano po? "

"Ni-Reigun ba naman sa pwet yung kawawang matanda. Ayun halos isang linggong iika-ika tuloy si Mr. Willy. Akala mo tuloy eh laging natatae. "

"Talaga po? Hahahaha..... "

"Pero pinagalitan naman sila ng kanilang ama. Pinaluhod pa nga sila sa munggo eh. Kaso nakaisip na naman ng kalokohan yung dalawa. Kumuha sila ng straw na pang-palamig atsaka ginawang panira yung mga munggo. Saka nila tinarget yung iika-ikang matanda. Para tuloy unggoy si Mr. Willy habang nanakbo. "

"Hahaha..... Grabe naman sila. "

"Pero sa totoo lang eh, ako ang nagbigay sa kanila nung straw. Hehehe..... "

"Teka nga pala, bakit si Mr. Willy ang lagi niyong pinagti-tripan? "

"Ewan ko ba kung bakit yung matandang iyon ang pinagtitripan nila Mera at Melvin? "

"Pero kasali din kayo eh? "

"Hindi ah? "








Sarkastikong napatingin ito sa akin.

"Ahm, well. Ano, Medyo slight lang naman? Hehehe..... "

"Kayo talaga. "

"Pero sina Mera at Melvin ang madalas ha? Atsaka----- "

"Oo na, sige na. Wag na kayong magpaliwanag. "

Nagkatawanan kami.






Tapos nun ay napabuntong-hininga ako.....







.....at biglang nalungkot.








Naramdaman ko naman ang kamay niya sa balikat ko.

"Okay lang kayo? " tanong nito.

"Ah, wala ito. Naalala ko lang kasi si Melvin at ang ama mo. "

"Ganun po ba. "

"Eh ikaw? "

"Po? "

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? "

"Ako po ba? "






Nagpalinga-linga ako at kunwaring may hinahanap.

"Ahm, malamang ikaw? Eh tayong dalawa lang naman ang nandito? Alangan namang tanungin ko ang sarili ko? Magmumukha naman akong sira-ulo? "

"Eh sira-ulo naman talaga kayo? "

"Aba'y loko kang bata ka ah? "

"Alam niyo Tito, para pala kayong si Lolo Gonio. "

"Lolo Gonio? Sino naman yun? "

"Yun yung matandang umampon sa akin nung nawala ako dito. Silang dalawa ni Lola Maria. "

"Ah ganun ba? Gusto ko silang makilala. "

"Sige po, papatayin na kita para makilala niyo na sila. "

"Anong papatayin? Loko ka talaga ah?? Ang ibig mo bang sabihin eh wala na ang mga taong iyon. "

"Opo, nasa langit na po sila. "

"Sumalangit nawa, mukhang mabait kasi ang matatandang iyon. Biruin mo eh kahit hindi ka nila kaano-ano eh inalagaan at pinagkatiwalaan ka nila. "

"Eh kayo po? Siguro sa langit din ang bagsak niyo? Mabait din kasi kayo ah? "

MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon