FIRE & RESCUE SQUAD PART 2

45 0 0
                                    

PYRO POV

Tinulungan at pinasampa naman ako nung dalawang mangingisda dun sa may kalakihan nilang bangka na may bubong.

Nahiga ako sa may sulok at naghabol ng hininga dahil muntikan pa akong malunod ng sumabit ako sa lambat nila.









"Okay na po ba kayo? " tanong sa akin nung isang lalaki.

"Medyo, salamat. "

"Sir, bakit niyo naman naisipang  mag-scuba diving ng ganitong oras? Ano ba ang sinisisid niyo sa ilalim? " tanong naman nung isa pang lalaki.









Napatingin ako sa kanya.

"Hay, pwede ba? Hindi ako diver?! "

"Huh? Eh bakit po ganyan ang suot niyo? "

"Wala, trip ko lang 'to. " sabi ko na lang para di na humaba ang usapan tungkol dun sa suot ko.








Nang mahimasmasan ay naupo na ako at nanghingi ng maiinom dun sa dalawa.

"Eto Sir, Lambanog. Pampainit ng katawan. "

"Talaga? May lambanog kayo? "








Nang inibutan nila ako ng lambanog ay medyo napangiti pa ako.

Naalala ko kasi yung inuman namin ni Lolo Gonio dun sa bundok.








"Pre, baliw ata yan? Iinom lang ng lambanog eh nangiti pa? Parang timang lang? " narinig kong bulong nung isang mangingisda.

"Baka excited lang siyang uminom ng lambanog? Ngayon lang yata yan makakatikim ng ganyan eh? " bulong din nung isa.

"Kung ibalik na lang kaya natin yan sa lambat? Ipain natin, baka sakaling makahuli tayo ng dolphin o kaya balyena? "

"T*nga ka talaga? Wala ngang dolphin o balyena dito? "

"Eh di, itali na lang natin siya at singitan ng mga kamoteng kahoy para makahuli tayo ng hipon na maliliit? Ano sa tingin mo? "

"Hm..... Sige, pag-iisipan ko. "

"Oy, kayong dalawa..... " sita ko sa kanila.

"Sir? "

"At nagbulungan pa talaga kayo. Eh halos isang dipa lang ang layo ko sa inyo. "

"Ay, oo nga. Pasensya na Sir. Nagbibiro lang po itong kasama ko. Wag niyo siyang pansinin. "

"Pero seryoso ak----- " siniko ito nung kasaman niya sa tagiliran.

"Tsk. Ewan ko sa inyo. "









Matapos ubusin yung lambanog na ibinigay nila sa akin ay tumayo na ako at hinimas-himas yung scar ko sa dibdib.

Kanina ko pa kasi sinusubukang paliyabin iyon ngunit ayaw nitong gumana.

Di ko alam kung masyado ba akong nabasa o naapektuhan ba ito nung pagsabog.








Maya-maya ay naisipan kong kontakin si Kai sa pamamagitan nung airpod.

"Hello? Kai? Hello? Mr. Willy? Naririnig niyo ba ako? "








Nang walang sumagot ay inayos ko pa ang pagkakalagay nung gadget sa tenga ko.

"Hello? Naririnig niyo ba ako? "








Wala talagang sumasagot kaya tinanggal ko na iyon sa tenga ko. Inisip ko na baka napasukan iyon ng tubig at nasira.








MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon