CHAPTER 25: THE X-TINGUISHER

45 2 0
                                    

PYRO POV

Napaluhod at napaiyak na lang ako sa nangyayari.

Hindi pa rin ako makapaniwala kahit sa bibig na mismo ni Tito Melvin nanggaling ang lahat.




Ang dami tuloy tanong ang gumugulo sa isip ko.

Masakit isipin na ang taong pinagkatiwalaan at minahal mo ay siya pa ang tatraydor at mananakit sa'yo.

Nasasaktan ako, sobra.





Dagdagan mo pa ang kirot ng aking sugat dahil sa tama ko sa dibdib.





"Sige lang, iiyak mo ang lahat ng sama ng loob mo. "




Napalingon ako kay Mr. X na kasalukuyang naka-squat ng patalikod sa akin.

Para bang may kinakalikot ito dun sa nakabukas na suitcase na dala niya.



Nang matapos na siya sa kanyang ginagawa ay tumayo na ito at humarap sa akin.




Nanlaki ang mga mata ko dahil dun sa bagay na hawak niya.

Isa iyong espada na may makapal na talim. Halos isang dangkal yata ang kapal nito. Mahaba iyon ( 6ft. ata ) na may mahaba ding hawakan.

Para bang espada iyon ng isang character sa larong final fantasy.




"Umiyak ka hangga't gusto mo.....




.....dahil iyan na ang huling iyak na gagawin mo! "




Matapos niyang sabihin iyon eh dahan-dahan na siyang naglakad palapit sa akin.

Nakita ko pa na nag-spark yung talim ng espada ng sumayad iyon sa sahig.





Dahil sa masama ang kutob ko sa gagawin niya ay pinilit kong tumayo.




Pero imbes na takasan eh mas pinili kong harapin siya ng buong loob.



"Mamaalam ka na sa mundo?! Mr. Benito?! "

Nanakbo ito at tinangkang hatiin ako.




Kahit hirap na hirap ay nagawa ko pa ring umiwas at gumulong palayo sa kanya.

"Argh?? " inda ko ng biglang sumakit yung dibdib ko.




Nang lingunin ko naman siya ay nakita ko kung paano niya bunutin yung bumaon niyang espada dun sa sementadong sahig.

Sh*t?! Delikado ako kapag tinamaan ako nun. Siguradong katapusan ko na.



"Naalala mo ba nung una tayong nagkita dun sa tulay. " sabi nito habang pinagmamasdan yung hawak niyang espada.




"Ang utos kasi sa akin ni Mr. Melvin ay sunugin daw kita ng buhay. Pero ako, hindi ako sang-ayon sa plano niya. Kaya nga natuwa ako ng malaman ko na buhay ka pa. "




Pinilit ko ulit tumayo.

"Alam mo ba kung ano ang gusto ko? Gusto kong pagpira-pirasuhin ang lahat ng parte ng katawan mo. Tapos eh ilalagay ko iyon sa garapon at isasama sa mga koleksyon ko na naka-display sa aking bahay. "

"Hi-hindi ka rin psychotic 'no? " nagawa ko pa ring maging sarkastiko sa kanya.




Tumawa ito sa sinabi ko.

"Naalala ko rin yung lumuhod ka sa akin at inalok ako ng malaking halaga para isalba ang buhay mo. Tsk. "

Pagkasabi niya nun ay sumugod na naman siya sa akin.



MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon