CHAPTER 19: SUPERHERO

48 2 0
                                    

OTHER POV

Dalawang lalaki ang nakiki-isyoso sa nasabing hostage-taking.

"Grabe, kawawa naman yung mga hinostage sa loob. Malamang, kapag hindi ibinigay ng pulis ang mga gusto ng mga lalaking iyon eh dadanak ang dugo sa loob ng bangkong iyan. "

"Oo nga, sabi pa nga eh may mag-ama raw na nadamay diyan. Kawawa yung bata pagnagkataon. "









Dahil sa abala sila ay hindi nila napansin ang isang nilalang na lumapag sa likod nila.

Kinalbit nito yung isang lalaki.

"Boss? Ano nang nangyari? Nandiyan pa ba yung mga masasamang loob? "

"Ah, oo nandiyan pa. Nakikipagnegosasyon pa sa mga pulis. " sabi nito ng hindi man lang lumilingon dun sa nilalang.

"Mukhang ayaw pang pumayag nung mga pulis sa gusto nung mga kawatan. " sabi rin nung isa na hindi rin lumilingon.

"Ganun ba, eh nandiyan pa ba yung kalbong pinuno nung mga goons? "









Dumukot yung isang lalaki ng sigarilyo sa bulsa at isinubo sa bibig.

"Hindi ko alam iho, pero sabi nila eh may mga nakatakas na bago pa man dumating ang mga pulis..... " kumapa-kapa pa ito sa bulsa.

"Eh, ilan po ba ang hinostage sa loob? "

"Marami-rami din..... Teka, nasaan na ba yung lighter ko? Ay naku? Naiwanan ko yata sa bahay? Eh Ikaw? May lighter ka ba? " sabi niya dun sa kasama niya.

"Wala? Hindi naman ako naninigarilyo eh. "

"Ay, oo nga. "









Maya-maya ay inabot nung nilalang ang umaapoy nitong daliri.

"Eto manong oh. "

"Uy, salamat. Teka, hinaan mo naman, masyadong malakas. "

"Ay, pasensya na po. "

"Yan, okay na. "









Pagkasindi nito ay bumuga ito ng usok sa hangin.

"Sige manong, diyan na kayo ha. At ililigtas ko pa yung mga hostage. "

"Sige. Ingat ka ha. Salamat nga pala sa nag-aapoy mong..... "









Nanlaki bigla ang mga mata nung dalawang lalaki. Dali-dali silang napalingon dun sa nilalang na kausap nila ngunit usok na lang ang nakita nila sa kanilang likuran.









Nagkatinginan sila.

"Teka?? Nasaan na yun? "

"E-ewan ko?? Pero, Pare?? Nakita mo yun?? Yung daliri nung lalaki, UMAAPOY?? "

"O-oo, pero ang mas ikinatatakot, ko eh......









.....bakit siya nakahubad at nakabrief lang?? "














OTHER POV

"Tay?? Natatakot ako?? "









Niyakap ng ama ang kanyang anak.

"Wag kang matakot, anak?? Andito si tatay, ha?? Makakaalis din tayo dito? Siguradong may tutulong sa atin? "

"Anong tutulong?? Walang tutulong sa atin?? Mamamatay na tayo dito?? " sabi ng isang lalaking nangangatog na sa takot.

MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon