THE SLASHER PART 2

40 1 0
                                    

MARTINA POV

/ 5 hours ago..... /

"Wag kang mag-alala, makikilala mo na siya. " saka lumabas ng kwartong iyon si Kalbo.









Inantay ko na may magbubukas ulit nung pinto ngunit ilang minuto na ang lumipas ay walang kahit sino ang dumating.









Dahil dun ay napag-alaman ko na tama nga ang hinala ko.









Di na ako nakatiis kaya kinompronta ko na siya.

"Hanggang kailan kayo magpapanggap na walang malay.....









.....Tito Melvin? "









Hindi ito gumalaw, nanatili itong nakaupo at nakayuko habang ang mga kamay ay nasa likod.

"Tama na ang laro?? Ano ba talaga ang gusto mo?? "









Hindi pa rin ito natinag.

"Ah, ganun? Kapag ako nakawala rito eh gugulpihin kita diyan sa kinauupuan mo?! "









Dun ko na nakita na nagtaas-baba ang balikat nito. Tapos ay tumawa ito ng malakas.

"HAHAHAHA..... Kahit kailan talaga, nakakatuwa ka Martina. "









Madali lang nitong tinanggal yung tali sa kanyang kamay at katawan. Saka ito tumayo at nag-unat.









Habang nag-uunat ay napansin nito na nakatingin ako sa kanya.

"Ah, eto bang mukha ko? Wag kang mag-alala, make-up lang yan. Atsaka konting red stains tapos konting arte at drama? Ano? Papasa na ba akong artista? "









Lumapit ito sa isang kahon at nilabas ang wine at wine glass.

"Bilib talaga ako sa'yo. Paano mo namang nahalata na nagpapanggap lang ako? "

Matapos magsalin ng wine sa baso ay lumapit naman ito sa akin.









Napabuntong-hininga ako bago nagpatuloy.

"Dun pa lang sa office eh may nahalata na ako sa'yo. "

"Really? "

"Medyo nahawakan ko kasi ang braso niyo at naramdaman ko na may matigas kayong bicep at tricep. Yung mga tipo ng muscle na batak sa gym. So, napaisip ako. Paano kayo mabubugbog ng dalawang tao kung malakas kayo at malamang eh kaya niyong ipagtanggol ang sarili niyo. "









"At dun sa elevator, yung nagpakita sa akin si kalbo. Alam kong kayo ang nagtakip sa akin ng panyo dahil nahawakan ko ang wrist at kamay niyo. Imposibleng si Bob iyun dahil mataba ang mga kamay niya. "









"At nung nandito na tayo eh napansin ko agad yung maluwag niyong tali, di tulad sa akin na talagang masikip. Napansin ko rin ang paggalaw ng pilik-mata at braso niyo dahil sa pangangalay. "









"Tungkol naman dun sa kopya ng CCTV na ipinakita sa akin nung lalaking iyon eh lalo akong nagduda. Hindi naman siya makakakuha basta-basta ng ganun lalo na kapag nasa pribadong establisyemento ka. Maliban na lang kung may traydor na magbibigay sa kanya niyon mula sa Santelmo. Di ko alam kung may tauhan ka sa Security Office o ikaw mismo ang nagbigay sa kanya nun. Alam ko kasi na hindi ka lang CEO ng kumpanya, isa ka rin sa mga Head of Security ng Santelmo. "









MERAMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon